Sa Math, may problem-solving tayo ng pagkukuwenta, sa Science ay paraan ng pagso-solbe ng problema. Kung sa Social Sciences (Araling Panlipunan) naman ay tungkol mismo sa buhay natin at sa lipunang kinabibilangan natin.
Pero paano mo siya sosolusyunan?
Kapag may problem ka, ano una mong gagawin?
Damage control muna para huwag lumaki ang problem.
Ang ma-solb mo lang ang problema ay isa nang malaking tagumpay sa buhay. Mainam na kilalanin sa sarili ang kahusayan at kahinaan sakaling may problema. Natataranta? Nababahala? O, kalmado lamang? Okey lang iiyak, hindi ito kahinaan, bagkus, nakapagpapaluwag ng dibdib kaysa naman may nakadagan. Mahirap magkasakit, dagdag lamang sa problema! May pam-ospital ka ba? May pandoktor? May pambili ng gamot? May mag-aalaga sa iyo? Sorry not sorry to say … karaniwan kung kailan tayo may problema saka tayo iniiwan ng akala natin kapamilya, kapuso at kaibigan natin. Oks lang pala sila kapag tayo ay walang problema. May iba naman ‘kala mo concern sa problem, pero hindi rin naman pala!
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
SOCIAL SCIENCE OF PROBLEM-SOLVING...
Kung kilala mo ang kahinaan at kalakasan mo sa pagharap sa mga problema, mas lalakas ang loob mo at magliliwanag ang isipan mo sa gagawin mong hakbang.Puwede rin naman sumangguni sa ibang tao na alam mong tapat sa iyo at maalam sa pagresolba ng problema. Huwag sa iba na hindi mo gaanong kakilala baka makaladkad pa sa iba at saka baka pagtsismisan ka lang. Remember, “Effective problem-solving is an opportunity to move forward, rather than mitigate a setback.” Ang mahusay na paglutas ng problema ay patuloy na pag-usad upang makita ang posibleng oportunidad na itinatago ng problem.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
SOCIAL SCIENCE OF PROBLEM-SOLVING...
Minsan talaga, ang problema ay blessing is disguise. Iyon pala ang magpapaangat sa buhay natin. Magtutulak sa atin lumbas sa comfort zone kaya hindi tayo umuunlad. Pansinin ninyo, karamihan sa mga taong binugbog ng pinakamabigat at maraming problema ay siyang nagiging matagumpay sa buhay. May yumayaman pa! Hinasa sila ng karanasan para maging mahusay sa buhay. Basta pakaisipin na kung paano sosolusyunan ang bawat problema ay laging may pagbabago sa proseso o pamamaraan batay na rin sa nais nating mangyari. Tandaan nga lamang na uunahin nating ayusin ang ating isipan o pananaw sa problema pati na ang ating kalooban para maliwanag ang gagawin. Hindipuwedeng magulo isip at kalooban.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474
SOCIAL SCIENCE OF PROBLEM-SOLVING...
Sa pagreresolba ng problema, importanteng tayo ay analitikal o mapanuri. Inaalam natin ang buong detalye ng problema, pinag-aaralan ang sangay-sangay na dahilan nito para magkaroon tayo ng maliwanag na pananaw at malaman natin kung saan tayo nakukulangan kaya hindi maresolba ang problema. Dito tayo ngayon magkakaroon ng tentative solution tulad sa eksperimentong ginagawa natin sa science kapag nag-iimbestiga ng problema. Sa puntong ito ay nagkakaroon ng pagtatanong para makita ang kakulangan at mabatid ang susunod na hakbang. Bukod sa mapanuri, mahalaga ring lohikal o maayos ang sistema ng pamamaraan sa paglulunas ng problema upang makita ng sinasabing big picture o kabuuan o pangkalahatang problema at paano ba ito nangyari. Ang pagsangguni sa dating ganitong uri ng problema ay mainan at masusubukan kung may dating pamamaraan na magagamit muli sa pagreresolba. Ang susunod na pamamaraan ay kung rational o makatwiran ba? Ito yung kung saan ang lahat ng impormasyon ay handa nang gawan ng assumption o pagpapalagay hanggang sa magkaroon ng pananaw sa posibleng solusyon. Ngunit alalahaning ito ay pananaw lamang ng sa sarili batay sa pag-aaral. Hindi kasangkot dito ang pananaw ng ibang tao. Two head is better than one. Lalo na kung mahigit pa rito ang magtutulung-tulong.
May mga taong kung tumingin sa problema ay pure black and white at ang solusyon nila ay maaaring tama o mali lamang, kumbaga absolute, walang alinlangan sa pagpipilian. Sa ganitong paniniwala, may nararapat na gawin sakaling may problema sapagkat hindi pa malay ang saktong solusyon na naroroon na pala! Hinahanapan na lamang nila ng authoritative source upang makumpirma ang kanilang naisip na solusyon. Creative ang pagreresolba ng problem kung naiimadyin agad ang mangyayari sa problema at makagagawa ng pagpapalagay kung ano ang kinakailangang gawin upang matamo ang lunas. Minsan nga pati solusyon ay naiimadyin na. Mangyari, walang limitasyon ang pamamaraan dito at sa proseso ng pagreresolba kung kaya’t unique ang gawi at solusyon. Kung positibo ang pamamaraan, ay bukas ang isipan sa posibleng solusyon ng walang pangamba. Kanila lamang pinauunlad ang sistema sa pamamagitan ng pakikipag-uganayan sa kaalaman ng iba.
Sir Bogir Torres
Mobile number: 09272450838
SOCIAL SCIENCE OF PROBLEM-SOLVING...
Minsan, isip-tayo ng isip kung paano malulunasan ang ating problema, nagawa na natin ang lahat, ngunit andoon pa rin siya. Sa ganitong pagkakataon ay kailangan na natin ang kasangguning ibang tao. Posibleng ang problema natin ay napagdaanan na nila at alam nila kung paano reresolbahin. Bukod pa sa rito, puwedeng collaborative sa pamilya o mga kaibigan alamin ang ugat ng problema, ang kasalukuyang kalagayan at kung paano ito mapipigilang lumala pa habang hinahanapan natin ng pinal na solusyon.
If you are tired with problems, learn to rest, not to quit, others read more about it!
Read, Share and Subscribe:
IN FACT, MATH-ALINO!
https://www.prosperlife thrueducation.com/post/problem-approaches
July 14, 2021
Comments