Kada taon ay binibilang natin ang ating edad sa kaarawan,
Nakalimutan natin alamin an gnaging halaga ng ating buhay sa bawat taon.
Ang banal na layunin ng pagsilang sa mundo ay ang tuklasin kung bakit tayo isinilang.
Ang pagdiriwang ng kaarawan taun-taon ay isang napakamahalagang okasyon sa buhay na kailangan nating gunitain ng may saysay kung ibig nating lumikha ng kakaiba sa kasaysayan. Para sa nakararami ito ay isang pagdiriwang sa panibagong taon handog na buhay at pag-aalala ng mga taong sa kanya ay nagmamahal. Ngunit ano naman ang silbi ng pagdiriwang sa mga darating pang mga panahon kung hindi natin tiyak kung hanggang kailan? Isipin pa rin natin ang bukas, huwag nga lamang alalahanin.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
BIRTHDAY...
Kakaiba naman ang isip ng mga taon maaalam sa buhay hinggil sa kaarawan, sa kanila ay ang pagdaragdag ng edad ng taon na siyang batayan nila kung gaano na ang naabot nila sa buhay mula sa kanilang mga mithiing ibig makamit. Ang pamantayan ng kanilang paniniwala “As we get older we will understand more and more that it’s not about what we look like or what we own, it’s all abouthte person we become.” Napabuti ba natin ang ating pagpapakatao? Kaya sinasabi ko rin ang isa pang aral sa buhay na “never grow old achieving nothing.” Dapat tumanda tayo nang may kinatandaan – ang aral ng mga karanasan sa buhay at pagbabago tungo sa pagpapabuti ng sarili ay dapat nating isabuhay. Mapalad tayo kung naranasan natin ang pagtanda dahil naroroon ang pagkakataon upang tayo ay magbago at umunlad. Ang iba, maaga pa lamang ay namayapa na. Rest in peace kaya sila kundi pa nila ganap na nagampanan ang layunin nila sa mundo?
Ang conscious awareness ay importante sa self-knowledge natin para sa buhay.
Ang araw ng aking kapanganakan ay June, 1960 sa ganap na 7:03 ng gabi ay isa sa ginagamit kong pagsusuri sa aking pagkatao at mataya ko ang magiging takbo ng aking buhay at kung ano pa ang nararapat kong gawing pagpaplano sa mga susunod na yugto. Naisip ko minsan kung may kinalaman ba ito sa aking pagiging night owll o kahiligan sa pagtatrabaho kung gabi lalo na sa pagsusulat ng blog na ito. Bukod pa rito, inaalam ko rin ang kahulugan sa numerology ng aking birth number na 1 (10) at ang aking destiny number na 5 (6-10-1960). Samantala, sa aking animal sign ay inaalam ko sa aking karanasan ang katangian ko bilang isinilang sa Year of the Rat. At sa kabilang banda, ang aking horoscope.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
BIRTHDAY...
Bagama’t itinuturing ng iba na pseudo-science ang horoscope kasama na ang numerology, iba pa rin ang ginagamit itong kasangkapan sa kaalaman at kahandaan kaysa wala sa walang pinagbabatayang teoretikal.. Ang horoscopes ay batay sa posisyon ng mga bituin at planeta sa saktong oras ng kapanganakan. Kaya tinataya ng mga naniniwala rito na may kinalaman sa ating personalidad at magiging kapalaran. Subalit pinakamahalaga pa rin sa akin ang spiritual meaning ng birthday kung saan sa bawat numero o bilang ng kaarawan ay naitatakda ko ang mga plano sa buhay na ibig kong makamit hanggang sa huli. Mangyari pa kung makakakamit natin ang ating mga hangarin sa buhay, magsisilbi itong tagalunsad ng panibagong gawain at layunin hanggang sa ganap na matagpuan na natin ang tunay na dahilan kung bakit tayo isinilang at nabubuhay sa mundong ito.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
BIRTHDAY...
Mahiwaga ang buhay ng tao. Hindi natin alam kung bakit nangyayari ang ilang bagay at ano ang dahilan. Naririto tayo sa mundo ng buhay upang harapin ang mga pagsubok, upang matuto, mag-ibang anyo at umunlad sa aspeto ng ating pagpakatao. Mainam kung sa pagpapakabuti, kaya lubhang mahalaga ang oras, araw, buwan at ang sasapit na taon sa pagbabagong buhay. Dito natin matatagpuan ang tunay na layunin natin upang hindi masayang sandaling inilagi natin sa mundong ito sapul sa ating pagsilang. Sikapin natin ang bawat pagkakataon na maihanda ang sarili sa mas matatag at maligayang pamumuhay sa mga darating pang panahon.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
BIRTHDAY...
Today, I celebrate my 61st birthday because I know I am special and I am living my life in grace and favor. Happy Birthday to myself. I might not be the richest person in the world, neither the most powerful person nor a famous celebrity, but I am trying myself to move on towards achieving happiness, peace mind, and most importantly the gift of life. Thank you, God, for blessing me with these priceless giftts. As it is said, “The world is our stage and we have to play play diligently our role.” I pray and hope to display m noble expression of reign in the years to come.
My birthday prayer:
I am a year older on this auspicious day.
It is all possible because of incredible love and mercies of divine destiny.
Today, I go down on my knees to God Almighty.
To say thank you from the depths of my soul for blessing me so lavishly enough with Your choicest blessings for my good sake.
Help me further to accept the things I cannot change,
Give me enormous courage to change the things I can, and wisdom to know the difference.
Comments