Kakaba-kaba ka ba?
Ang sabi ni Dale Carnege sa pamagat ng kaniyang aklat ay Stop Worrying and Start Living. Huwag mabahala, tuloy lang ang buhay! Pero hindi ganoon kadali iyon sa marami sa atin at maaaring hindi rin nauunawaan ng nagpapayo dahil wala sila sa ganoong kalagayan . Baka nga hindi pa nila naranasan ang labis na hindi pag-aalala kaya ganoon na lamang ang payo nila. Pero sa totoong buhay, mahirap din iwaksi ang problema na ipinag-aalala maliban na lamang kung insensitve na sa problema.
Para sa kaaalaman nating lahat, si Dale ay dating nanirahan sa New York City na dating napakamalungkuting tao sanhi ng kaniyang pag-aalala dahil sa mahirap na kalagayan niya sa buhay. Blessing na sa ganitong kalagayan ay naisipan niyang pag-aralan kung paano maiiwasan ang pag-aalala upang sa ganoon ay maibahagi sa atin at maging aware tayo sa ating sarili sa idinudulot nitong mabuti man o masama, at para na rin makamit natin ang kasiya-siyang pamumuhay. Bukod pa sa rito, kailangan matugunan natin ang mga hamon ng buhay para madali sa atin ang makapag-pokus sa higit na mahalagang aspeto nito.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
STOP WORRYING...
Minsan ang labis nating pag-alala ay dahil sa pagiging ove-protective natin lalo na sa ating mga kapamilya. Kung ganito ang kaso, hayaan nating maranasan din ng ating kapamilya, alalayan na lang natin para may matutunan sila sa buhay. Samantala, ang komentaryo ng isang ale, “May mapapala ba akong maganda sa labis na pag-aalala o kikita ba ako riyan? Baka sakit lang makuha ko at gagastos na, ay pahirap pa sa kalooban ko at katawan ng aking pamilya na tiyak na mag-aalala rin, ay huwag na lang.” Isipin nga din natin ang domino effect nito sa ating lahat. Dahil baka imbes na masaya ay malulungkot pati ibang taong apektado ng ating pag-aalala. Apektado rin ang oras natin sa ibang bagay na mahalaga sa buhay kapag nangyari ito.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
STOP WORRYING...
Narito ang isang kuwento: Kinagabihan, nang mailibing ang labi ng anak ng isang nanay, ay hindi makatulog si nanay sa labis na pag-aalala sa namatay na anak. Malakas daw ang buhos ng ulan, kawawa daw sa libingan ang kaniyang anak. Magiginawan. Mas masakit daw pala mawalan ng anak kaysa sa mawalan ng asawa. Hinayaan lamang siya ng kaniyang pamilya na sabihin ang lahat ng kanyang gustong sabihin upang mapawi ang kanyang mga pag-aalala. Sa ganitong paraan ay unti-unting natanggap ng ina ang pagyao ng kanyang pinakamamahal na anak. Hindi nagkasakit si nanay sa pag-aalala. Hinayaan lang talaga ng ibang anak niya na ilabas lahat ng kanyang pag-aalala.
Nararapat na mabuhay tayo sa tinatawag na day-tight compartment. Ibig sabihin, nakapokus lang tayo sa ating gagawin sa oras na iyon at walang ibang iisipin o pagkaka-abalahan. Maunawaan din natin sana kung paaano haharapin ang suliranin sa pag-aalala. Tanungin natin ang ating sarili, “Ano ang mga posibleng mangyayari?” Paano ito mapapagaan by trying to improve on the worst. Siyempre, pag-aralan natin ang pinakamasamang pwedeng mangyari at tnggapin, ngunit gawan ng paraan kung paano mapapagaan. Paalala sa sarili kung gaaano kabigat ang magiging epekto ng pag-aalala para malaman na kailangang iwaksi gaya ng posibleng sakit na makuha nila rito.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
STOP WORRYING...
Para higit na maunawaan kung may punto nga bang dapat ipag-alala ng labis, alamin ang katotohanan hinggil sa pinagmumulan nito. Pera ba, pag-ibig o pamliya? Timbangin ang lahat para sa tamang desisyong isasagawa. Sakaling mayroon nang desisyon, agad isagawa. Sikapin maunawaan sa ganito ang pag-aalala: Ano ba talaga ang problema? Ano ang sanhi ng problema? Ano ang mga posibleng solusyon? Mula rito, ano ang pinakamusay na solusyon? Ang payo sa atin, “Break the worry habit before it breaks you.” Ngunit paano pa ba?
Sa bawat desisyon natin, huwag din tayong mag-aalala sa kritisismo o sasabihin ng ibang tao. Bukod sa hindi naman nila alam ang tunany na nangyayari, ay sariling buhay natin ito, at tayo mismo ang higit na nakakaalam sa nangyayari, Remember that unjust criticism is often a diguised compliment. Sakaling mamali tayo sa ating desisyon, analisahin nting mabuti at pag-aralan ang ating sarili na baka nga tayo ang problema. Marapat lamang na pananagutan natin sa sarili ang ating pasya para wala tayong sisisihing ibang tao kung bakit tayo nagka-problema at nag-aalala.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474
STOP WORRYING...
Gawing abala ang sarili para iwas sa pag-aalala.. Mainam pa ito na makapagpapagaan ng kalooban. Huwag mag-alala sa mga bagay na hindi naman mahalaga. Gamitin ang law of averages upang madaig ang sobrang worries na nadarama. Ang law of averages ay nagsasabing balansehin ang lahat na magiging epekto sa nakaraan, ngayon at kung maaari pati sa hinaharap.“ The Law of Averages is priciple that supposes most future events are likely to balance any past deviation from a presumed average.” Magkakaroon tayo ng pag-aaral ng probabilidad ng mangyayari batay sa takbo ng pangyayari. Para hindi rin masyadong mag-alala, sakyan na lamang muna ang problema at huwag masyadong seryosohin kung di talaga maiiwasan.
Sir Bogir Torres
Mobile number: 09272450838
STOP WORRYING...
Ang karaniwan ipinag-aalala natin ang nakaraan, minsan ang kasalukuyan at ang mas malala yung mangyayari sa kinabukasan. Ngunit alin ba ang higit na mahalaga sa tatlo – ang kahapon, ang ngayon o ang bukas? Ganiyan kasimpleng pagtitimbang ang nararapat nating gawin. Iispin natin ang kahapon ay nakaraan na, wala na tayong maggagawa kung nangyari na para ipag-alala pa. Ang sa kinabukasan ay hindi pa nagaganap, at mangyayari lamang ito kung hindi natin idadamay ang nakaraan at ang iisipin natin ang kasalukuyan. Ibig sabihin, asikasuhin muna natin ang kasalukuyan bago ipag-aalala ang mangyayari bukas na hindi pa naman natin tiyak, ngunit kung mahusay nating mareresolba sa kasalukuyan ay hindi na aabot pa ang pag-aalala sa hhinaharap. Kaysa sa mag-alala isipin lagi … “This too, shall pass”. At ang pinakamabisang sandata laban sa pag-aalala ay panalangin.
Read, Share and Subscribe:
IN FACT, MATH-ALINO!
https://www.prosperlife thrueducation.com/post/stop-worrying
August 10, 2021
Opmerkingen