top of page

STORIES OF INTUITION















 

Hanggang sa ngayon ay malaking palaisipan kay Archie (hindi tunay na pangalan) ang mga kakatwang karanasan niya sa buhay. Tandang-tanda pa niya noong bago siya grumadweyt sa kinder ay nabagok ang kanyang ulo at tumama sabakal, ngunit segundo lamang bago ito nangyari ay nasasaisip na niya na madadapa siya at tatama ang ulo niya sa bakal. Kinontra niya sa isip niya na hindi magiging malubha ang kanyang sugat. Nagkatotoo nga – madugo lang, pero maliit ang sugatan sabi ng doktor na tumahi sa sugat niya. Totoo nga kayang ‘intuition goes before us and showing the way’ para maging ligtas tayo sa kapahamakan?

 

Samantala noong nasa ikatlong taon ng pag-aaral si Archie sa elementarya ay naranasan niyang gising siya, ngunit nakikita niya sa pangitain ang isang libing na papasok sa sementeryo kung saan ang mga kamag-anak niya ay naghahatid sa libingan. Huh! Black and white daw ang ‘cinematic effect ng nakikita niya sa diwa. Pagkabalik sa wisyo ng kanyang diwa ay nasabi niya sa kanyang tiyahin na papanaw na ang kanyang lola na sakto ngang nangyari dahil tumanggap sila ng tawag sa telepono hinggil sa kasawian ng kanyang lola na nasa ospital at may malubhang karamdaman.Pagkalipas naman ng tatlong taon ay naging pangitain niya ang isang matandang lalaki. Noong nakaburol ang kanyang lolo ay saka niya nakilalang ito ang nasa pangitain niya. Palibhasa bata pa siya ay hindi niya ito gaanong pinansin. Maliwanag na binibigyan tayo ng babala ng ating intuition kung papansinin natin ay malalman agad natin ang mangyayari at baka mabago pa nga natin.

 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741

 

Nasa pag-aaral na sa kolehiyo si Archie nang manumbalik ang kanyang intuition. Malubhang nasasa-isip niya na gawing perfect ang exam niya sa iksam sa ‘statistics’ para maging honor student siya sa kolehiyo. Kinabukasan, araw ng iksamen, nagtataka siya sa ginagawa niyang computation sa statistics, dahil parang nakita na niya iyon, lalo na ang kinalabasang sagot. Saka niya naalalang parang naulit ang nangyari sa kanyang panaginip. Sakto perfect nga ang kanyang score sa iksamen.

 

Noon naman isang linggo bago siya grumaduate sa kolehiyo ay dalawang sunod na gabi na napanaginipan niya ang pag-akyat sa tangke ng tubig. Nakarating siya sa tuktok nito at natanawan niya ang napakaaliwalas na ulap ng kalangitan. Sinundan ito ng sumunod na gabi ng panaginip na umaakyat siya sa hagdanang red-carpeted. Pagkaraan ng dalawang araw ay ipinaalam sa kanya ng Dean ng College na kabilang siya sa ga-graduate na may karangalan sa kolehiyo. Batay sa nabasa ko noon, “Intution is the calling of our spiritual GPS o Global Positioning System seeking to keep us on track towards our true destiny.” Para siyang mapa na gagabay sa patutunguhan nating landas ng buhay.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Nang makatapos na siya sa pag-aaral sa kolehiyo ay naging matalik niyang kaibigan si Roel (hindi rin tunay na pangalan). Nagtampo siya nang labis kay Roel dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ito pumunta sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Ngunit, kakatwa sa kanyang panaginip na dinalaw naman siya nito at nakamasid na mabuti sa kanya, ngunit walang sinasabi. Lumipas ang limang buwan bago niya nalaman sa isang kapitbahay ng kamag-anak ni Roel na inatake pala ito sa puso habang natutulog at tuluyang nasawi.

 

Nang dalawin ni Archie sa pinaglibingang probinsiya ang matalik na kaibigang si Roel ay noon niya nakita sa video ng libing nito na sakto sa kanyang kaarawan ay inililibing si Roel. Naiyak siya dahil ang hiling patugtugin pala ni Roel sa libing nito ay ang paborito niyang awiting Send in the Clowns. Noon natanto ni Archie na minsan siya ay nagising na umiiyak dahil sa namatay ang kanyang ama ay laking gulat niya pagkagising na buhay ito at mismong kaarawan pa! Kakaiba ang saya ng tatay niya sa ibinigay niyang regalo, subalit pagkaraan ng limang buwan ay pumanaw din ang kanyang ama. Noong sandaling bigla siyang iiyak dahil patay na ang tatay niya ay biglang namatay ang ilaw sa buong kabahayan nila. Naalala niya na ayaw ng tatay niyang umiiyaks siya. At ang kaibigan niyang si Roel - ay gustong masaya lang siya parati kaya Send in the Clowns ang naging paborito niyang awitin.

 

Tatlong pambihirang pangyayari ang hindi halos maipaliwanag ni Archie sa kanyang sarili …


Noong bago yumao ang kanyang ama ay natatandaan niyang nakatitig siyang mabuti sa diyaryo na may listahan ng mga numero na mananalo sa Jai-Alai sa bawat petsa. Dahil napuna niyang naka-advance ang petsa na lalabas ang mga numero ay kinakabisa niya ang mga ito. Bigla siyang ginising ng kanyang ama, nawala sa isip niya ang kinakabisang mga numero. Inisip niya kung posible kaya itong nagkatotoo kung hindi siya ginising dahil sa isang panaginip niya ay nakita niya ang kanyang kaklase na sakay ng kotse para dalawin siya. Kitang-kita niya sa hindi mawaring panaginip na bumaba ito ng kotse, pumunta sa bahay nila at tuluy-tuloy na umakyat sa itaas ng bahay nila at pumasok sa silid niya. Sakto sa pagmulat ng kanyang mata ay bumungad sa kanyang tabi ang kaklase niya na halos pareho ang suot na damit sa kanyang hindi mawaring panaginip.

 

Naisip ni Archie kung totoo ang pangitain ng kaibigan niya, marahil ay totoo rin ang panaginip niya sa mga numero ng Jai-Alai na kanyang napanaginipan kung hindi lamang siya ginising sana ay milyonaryo na siya. Batid ni Archie na may kakaiba sa kanyang sarili. Totoo siya sa paniniwla ni Roy T. Bennet na “We will never follow our own inner voice until we clear up the doubts in our mind. Linisin natin ang alinlangan sa isipan natin para alam natin ang tamang paniniwalaan natin sa buhay. Kaya may nagsasagawa ng ‘yoga’ para dito.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

Ang bente mo barya na ngayon.

Inflation

Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..

Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!

Start this year by investing with PROTECTION

Invest it wisely.

ASK ME HOW!


 

Lubos na nakumbinsi si Archie sa kakatwang kapangyarihan ng kanyang isip noong minsan siya ay aksidenteng masasagasaan ng nawawalang preno ng dyip. Ayaw niya sanang tumawid ng kalsada, ngunit kakatwang nadala siya ng hugos ng dami ng tao na papatawid. Nag-iisa siya sa gitna ng kalsada nang marinig niya ang hiyawan ng mga tao. Natanawan niya ang isang dyip na mabilis ang takbo at nawawalan ng preno …. masasagasaan siya! Biglang sipat niya sa dyip ay nasabi niyang hihinto ito sa kanyang tabi. Himala! Saktong huminto ang dyip sa tabi niya. Hindi siya nasagasaan. Nasagi lamang siya at medyo natumba, pero wala siya ni kapirasong sugat. Agad din siyang nakatayo at humingi ng dispensa ang drayber sa kanya at ibig siyang ipagamot sa ospital. Taka kayo sa nangyari?

 

Ang totoo nito, naisip ni Archie na utusan na huminto ang dyip na nawawalan ng preno ay dahil minsan siya ay niloko ng isang jeep driver na nasakyan niya sa ‘cutting trip’ nito. Naisip niya ng pinababa siya ng driver ay tinanaw niya ang jeep at sinabi niya sa sarili na ‘huminto ka sana.” Huminto nga yung dyio at nakita niya sa kalayuan na ayaw nang gumandar.Natanong niya sa kanyang sarili kung anong kapangyarihan mayroon ang kanyang isip at nakontrol niya ang pangyayari. Malakas ang kangyang ‘thought form’ na kung anuman ang sabihin niya ay mangyayayri talaga. Nalagay sa isipan ni Archie ang sinabi ni Justin K. McFarlane Beau na “If we do not know we are in danger, we are that danger.” Safe nga siya kapag ganito.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

Sapul sa mga kakatwang pangyayari, ay naging kasangguni na ni Archie ang mga pangitain niya at panaginip sa mga gagawin niyang desisyon sa buhay. Hindi siya natatakot sa mga pahiwatig ng mga pangyayari, bagkus, pinag-aaaralan niyang mabuti ang bawat kahulugan nito. Nanininiwala kasi siya na siya ay ginagabayan ng Diyos sa kanyang buhay sa tulong ng gabi-gabi niyang panalangin para sa kaligtasan, kapayapaan, kaligayahan at kasaganahan sa buhay. Kapag ikinukuwento niya ito sa kanyang mga kaibigan ay sinasabi ng mga ito na “Sana all!” Pero, isipina natin - mayroon tayong limang ‘five senses’; ang pandama, ang pang-amoy, ang panlasa, ang pampaningin at pandinig. Ngunit huwag nating kaligtaan na higit pa sa pisikal na kasangkapan, ang mga ito ay mayroong layuning ispirituwal. Ang tanging pagkakaiba ng talino ng tao ay nasa paggamit ng mga ‘senses’ na nabanggit mula sa pisikal na kakayahan tungo sa ispirituwal na kapangyarihan. Karaniwan, ang maraming tao ay hindi batid-alam na ang inner senses nila (iyung nasa kalooban), kung kaya’t kaunti lamang sa mga tao ang nagagabayan ng kanilang ispirituwalidad.


Read, Share, and Subscribe.

Comments


bottom of page