Ang paaralan ay pangalawang tahanan ng mga mag-aaral kung saan matututunan nila ang pagwawasto ng ugali at pagpapapaunlad ng kaaalaman. At sa paaralan, hinuhubog ang pag-unlad ng edukasyon. Taliwas sa ganitong pananaw, ang karaniwang alam nang marami sa atin ay “teaching is imparting knowledge.” No! It is inspiring change mula sa natututunan at pagsasanay na ipinagagawa ng guro sa kanilang aralin kung saan kailangang maunawaan ng mag-aaral. Kaya nga sinasabing, “learning is more than absorbing facts, it is acquiring understanding.” Higit sa mga malalamang kaalaman ng mga mag-aaral, dapat maunawaan din nila ito sa punto ng buhay kung paano gagamiting mabisa sa pagbabago at pagpapaunald ng buhay.
Sa blog na ito,
para na rin akong guro ninyo na nagtuturo hindi lamang ng kaalaman kundi pati na ng karunungan.
Ph 275 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Sa isang kuwento ng diskurso sa kasaysayan sa isang pag-aaral, nagkaroon ng matinding pagtatalo ang isang estudyante at matagal nang guro na nagtuturo ng History. Ipinagpipilitan ng guro na March 16, 1521 natuklasan ang Pilipinas. Ang katwiran niya tatlumpung taon na siyang nagtuturo at kahit nakapikit siya ay kabisado na niya ang kanyang aralin para kuwestiyunin ng estudyanteng umaangat pa lamang sa lupa ng pagkatuto. Ayaw talagang pumayag ng estudyante, dahil ang nabasa niya sa aklat ay March 17, 1521.
Nakarating ang dalawa sa Office of the Principal. Ang sabi ng principal, huwag nang makipagtalo ang estudyante sa guro dahil isang araw lang naman ang diprensiya para pagtalunan pa. Ayos ba sa katwiran? Kung tutuusin, tama ang estudyante, ngunit hindi niya naibigay ang dahilan kung bakit lumabis ng isang araw ang kaniyang sagot. Ito ay sa kadahilanang hindi niya naunawaan ang Bakit at Paano para mapagtibay ang kanyang kaalaman sa pangangatwiran. Ikaw, alam mo ba kung bakit March 17, 1521?
Sa kasong ito nararapat sundin ang proseso ng maka-agham na pagkatuto alinsunod sa asignatura o aralin.
Sa pamamaraang Araling Panlipunan, alamin muna at unawain ang kahulugan ng International Dateline. Bakit at paanong nagkaiba ang talang petsa sa kasaysayan ng pagkakatuklas ng Pilipinas batay sa alituntunin ng Internasyunal Dateline. Ilahad ang pangangatwiran saka magsaliksik ng hinggil sa kasaysayang ito upang mapagtibay ang kaalaman upang mapalawig pa ang kaalaman at magkaroon ng konkretong nalalaman hindi puwedeng kuwestiyunin ng lahat. Kung tutuusin, ang halaga ng paksang ito ng pag-aaral ay higit pa sa pagpapatibay kung kailan nga ba natuklasan ang Pilipinas kundi sa puntong, “discovering unknown things; and to know something is to discover a thing!”
For more information, please contact:
Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Alam ba ninyong ang pinakamahalaga bagay sa kasaysayan ng buhay ng tao, ay ang araw na natutunan niya ang isang pambihirang bagay at lalo pa siyangnagpursigi na matutunan ang marami pang kaalaman? Magkaganito, lalabas na math-alino na siya sa kaalaman, math-alino pa siya sa karunungan sa buhay. Iba ang may alam, ngunit iba ang nauunawaan ang kanyang nalalaman.
Mula sa sitwasyon ng pag-aaral ng pag-aaral na kabisaduhan ang kasaysayan ay maiiwasan ang pagiging kabisote ng batang mag-aaral na wala namang ganap na nauunawaan sa pinag-aaralan. Ang ganitong kundisyon ang tinutukoy na dahilan kung bakit nagkakaroon ng tinatawag na ‘loose-learning’ kung saan madaling makalimutan ng bata ang pinag-aralan. Kumbaga, alam ngayon, pagkalipas ng ilang minuto, hindi na alam. Naligo lang sandal, nakalimutan na lahat ng pinag-aralan. Goodbye learning na talaga! Ang payo sa ganitong suliranin sa pag-aaral ng mga bata ay gawing sistematiko ng guro ang pagtuturo at samahan pa ng masusing pag-aaral kung bakit hindi maunawaan ng mga mag-aaral ang itinuturo.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Sa pangyayaring aking nabanggit, pinakamainam na gabayan ang bata sa pagtuklas ng kaalaman gamit ang mga tanong sa pagsusuri ng kasaysayan tulad ng: Ano, kailan, saan nangyari? Bakit nangyari? at Paanong nangyari? Kaya nga kasaysayan, may saysay at mahalaga na dapat maunawaan. At kaya din naman ang konklusyon ng isang estudyante ay gawin nating may say ang kuwento ng kasaysayan batay sa sinasabi ni Jaime B. Veneracion sa kaniyang aklat na Agos ng Dugong Kayumanggi.
Nabasa ko ang sinasabing “Life as a teacher begins the day you realized that you are always sa learner.” Kakatwa nga ang sinasabi na “If you have told a child a thousand times and he still does not understand, then it is not the child who is the slow learner.” Sino ngayon ang unang dapat maging learner – ang nagtuturo o ang tinuturuan? Ang purpose ng education natin sa ngayon ay tulungan mapataas ang antas ng pagkatuto ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabawas o pag-alis ng stress sa kanilang pag-aaral upang matuto silang mabuti. Think, how.
ENGAGE IN LEARNING.READ, LIKE, SUBSCRIBE and SHARE.
Comments