top of page

THE NEW NORMAL

Updated: Sep 30, 2020

My new normal is to continually get used to new normals.

Ang bago nating normal ay gawing masanay na tayo sa bagong normal.

-SupportforSpecialNeeds.com-


 

Kung mamarapatin ng pagkakataon, simula sa Oktubre 5, 2020 ay masasaksihan natin ang bagong hamon sa pagkakamit ng edukasyon sa gitna ng tinatawag nating “new normal.” Bagong normal sapagkat kakaiba, ngunit karampatang gagawing normal sa kabila ng umiiral na krisis dulot ng pandemic. Huwag na muna nating isiping pansamantala lamang naman at lilipas din. Ang buhay ng tao sa mundo ngayon ay nasa bagong normal. Hindi na siya katulad ng dating nakamihasnan natin sa pang-araw-araw na buhay. Ang mahalaga ay tumugon tayo sa pagbabago para sa kaligtasan nating lahat upang makatawid tayo sa kakaibang normal.

 

Sa mga mahal nating guro, hindi ito tulad ng dating ginagawang papasok sa paaralan para magturo at ang mga estudyante ay naman hindi na papasok sa paaralan para mag-aral. Ang pag-aaral ng mga bata sa bahay at hindi pagpasok sa iskuwela ay mula Lunes hanggang Sabado upang mabayaran ang pagkakaantala ng pasukan. Kumbaga, ‘homeschooling’ ang magiging kaganapan na magiging malaking hamon sa pagiging responsableng magulang!

Sa mga nagtatanong kung meron din daw recess o ‘breaktime.’ Ang sagot, meron din para makahinga-hinga kayo sa pag-aaral, makakain at makapag-uunat ng katawan o makapaglakad-lakad na mahalaga sa proseso ng pagkatuto. Kaya in-between ng klase puwedeng isingit ang natutunan sa Physical Education.

Kung may suspensiyon din ba raw ng klase. Malamang, ‘classes suspended,’ kapag may bagyo at ‘power interruption’ na apektado ang signal para sa internet accessibility. Sa malyong kanayunan nga ay problema ito dahil kailangan pang umakyat sa puno ang iba o mamundok para lamang makasagap ng signal. Pero dito sa kamaynilaan, huwag na kayong umakyat ng bubong ng bahay, baka hindi bagsak sa iskwela inyong maranasan!

Kung may ‘periodical test’ kada quarter ng pasukan ng iskuwela. Ang sabi, wala. Baka raw kasi magkaroon ng ‘distance cheating.’ Eh, nung face-to-face nga kahit may ‘distance seating’ nagkakakopyahan pa rin. Kaya ang sabi ng DepEd, “Periodical exam could be addressed by summative exam and performance task which are more inclusive and authentic in gauging the learning process and progress unlike periodic exams which are based on pen and paper examination.” Uy! Sanay ang mga bata natin sa ‘performance task’ kaya siguradong hindi sila mahihirapan.

Kung magkakaroon din ba raw ng ‘honor students.’ Siguro, dapat pag-aralan kasi talino ng bata sa pag-aaral ang pagbabatayan sa bagay na ito. Paano kung tinuturuan lamang sila ng isasagot? Mainam siguro ‘recognition’ para sa pinakamahusay na tandem ng anak at pagsubaybay ng magulang sa pag-aaral batay na rin sa aktibong pakikilahok ng estudyante sa pag-aaral at nangyaring pag-unlad nito sa pag-aaral kumpara sa nakaraang taon ng pag-aaral. I mean sukatin ang magandang pagbabago at siyangmaging batayan ng pagkilala.

FYI – For Your Information - tatagal ang pasukan hanggang June 16, 2021.Samantalang magkakaroon din ng ang Christmas vacation mula Disyembre 20 hanggang January 3, 2021. Mayroon pa ring semestral break, mid-year break after the second quarter. Posible ito sa February 2021. Patuloy pa rin ang obserbasyon sa mga holiday na naka-iskedyul. Mahalagang malaman ninyo ang ‘school calendar’ na ilalabas ng DepEd bilang gabay.

 

May iba’t ibang paraan ng pagtuturo ang isasagawa tulad ng ‘online’ at ‘modular’ na kung tutuusin naman ay hindi na bago sa iba gaya ng mga nasa Open High School. Ginagawa na rin ito ng iba unti-unti bago pa magkaroon ng Coronavirus - 19. Kaya parang normal sa ibang mga guro at estudyante nila ang ganitong pagtuturo at pag-aaral.

Mayroon na nga noong nagbibigay ng assignment sa FB messenger at may group chat ng talakayan, at mayroon ring nagsasagawa ng video ng ‘class activities’ na pinapanood sa guro. Ang pagkakaiba nga lamang sa ngayon ay gagawing online ang maraming klase. Huwag nating ikatakot ang bagay na ito dahil kung tutuusin ay very excited ang mga estudyante sa bagong moda ng pag-aaral at mahahasa rin ang kanilang abilidad sa teknolohiya para ‘techie’ na rin sila pagdating ng panahong magtatrabaho sa mga tanggapann.

Para naman sa iba na malayo at ‘di kayang abutin ng internet connectivity o may kakapusan sa pananalapi, magkakaroon sila ng access sa ‘distance learning’ sa pamamagitan ng radio and television broadcast ng pagtuturo ng mga piling-piling guro na nagsasanay sa ganitong pamamaraan ng pagtuturo. Baka nga lang ma-discover sina ma’am at sir sa radio and television, mabawasan ang guro natin sa DepEd.

Huwag di naman nating asahang perpektong mangyayari ang lahat ng mga nabanggit na bagong moda dahil wala naman bagay ang nagiging perpekto sa simula at nang hindi parating isinasagawa. Sa mga pakakamali at pagkukulang na mangyayari, doon lamang tayo matututo hanggang sa maisaayos ang lahat. Chilll muna tayo at huwag masyadong ma-pressure. Ang importante gawin natin ang ‘the best!”

Kung tutuusin, magandang pagkakataon ang bagong normal sa edukasyon, sa dahilang may choices na ang ating mga estudyante kung alin bang sistema ng pag-aaral ang gusto nilang mangyari sa mga susunod na pagkakataon ng pag-aaral. Posibleng mabawasan na ang bilang ng klase sa classroom dahil mas gugustuhin ng iba ang ‘homeschooling.” At baka nga dito pa natin mapaunlad ang kanilang performance sa pag-aaral dahil tumutugon sa kanilang interest dahil ‘homebody’ pala sila.

 

Ang kaurian ng panlapi na natatandaan ko pa sa pag-aaral noon ay unlapi (nasa unahan) gitlapi (nasa gitna) at hunlapi (nasa hulihan). Hindi ba may “un”, “git” at “hun” para madaling matandaan? Hindi man ito kasimbisa sa pag-unawa ng kahulugan ng salita sa Filipino, sa English naman ito ay tunay na kapaki-pakinabang na kaalamanan upang humusay sa bokabularyo bagama’t kung papansinin ninyo ay walang gitlapi sa salitang ingles kundi prefixes (unlapi) at suffixes (hunlapi) lamang ang mayroon. Ano sa palagay mo ang dahilan?


 

Throwback tayo sa kuwentong new normal:


Noong una, ang NEW NORMAL ay tumutukoy sa kalagayang pananalapi sa negosyo at ekonomiya simula nang nangyaring ang “global recession” o paghina ng mga negosyo bunga ng hindi balanseng kalakalan kaugnay ng nangyaring pagbagsak ng “real estate business” noon sa Amerika dahil sa lumabis na demand. Tinagurian itong “bubble economy” dahil lumobo nang todo ang kagustuhan ng mga tao na labag sa prinsipyo ng “demand at supply.” Dahilan nito, naapektuhan rin ang ibang gawaing pang-ekonomiya. Bumagsak din ang ibang negosyo at nagkaroon ng lalo pang pag-urong at pagbagal ng iba pang gawaing pangkabuhayan dulot ng suliranin sa pananalapi.

Sa kaso ngayon ng bagong normal ay ang paghina ng kabuhayan sanhi ng COVID -19. Naging “pandemic” ito o epidemyang lumaganap hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi sa buong daigdig. Delikado ito sa kalusugan at nakamamatay. Upang maiwasan ang paglaganap ng virus ay ipinatupad ang “lockdown.”

Tigil muna ang lahat sa paggawa pati na sa pag-aaral at walang pinalalabas, kaya naka-kulong ang mga tao sa loob ng kanilang tahanan ng ilang buwan. Dahil dito, umiral ang takot sa puso at isipan ng mga tao at pag-aalinlangan sa buhay. Ngunit, sana sa kabila ng ganitong kalagayan ay pagsikapan nating maging “better normal” na ang lahat sa mga susunod na araw. Mangyayari ito sa patuloy na pagbabasa ng mga lathalain sa blog na ito sapagkat matututunan ninyo rito ang mga bagay na kinakailangan. In fact, math-alino kang talaga kapag naunawaan ang lahat ng aralin dito ng kaalaman at karunungang kinakailangan sa buhay.


 

ENGAGE IN LEARNING. READ, LIKE, SUBSCRIBE and SHARE.

Mahalaga ang opinyon natin sa mithiin ng edukasyon sa buhay.

Nararapat na kinggan natin ang tinig ng mga hinaing para maayos na desisyon.

留言


bottom of page