Haiyyyssst! Hindi pala nagtatapos sa isang yugto ang drama sa buhay, kaya mala-teleseryeng paboritong pinakaaabangan ng mga tsismoso at tsismosa sa buhay. Pati mga miyembro ng 4 Ps ay kuntodo napagdiskitahan. Paano naman may mga iba sa kanila na tuloy ang tongits sa bahay-bahay. May mini-casinong natayo sa bahay-bahay. Pati sanggol na walang malay bitbit sa sugal na aliwan. Huwag lang magalit si mister na nandoon naman sa inuman. “Life is living” pala talaga!
Ultimo munting lansangan ay naging garahe ng maboboteng tao sa tunggaan. Kani-kanila silang tagay hanggang sikatan ng araw. Wala ba silang alam na may ‘curfew’ na nagbabawal sa tambayan at paglalamiyerda sa lansangan? Teka, alam ba ng mga kasapi ng 4 Ps kung ano ang ibig sabihin nito na Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Baka kaya hindi nila alam kaya ganoon na lang nila lustayin ang pera na ipinaghihimutok ng mga tax payer o mga nagbabayad ng buwis na totoo rin naman. Pero ang masasabi ko lang, mapalad ang nagbibigay kaysa sa binibigyan. Gugustuhin ba ninyong kayo ang binibigyan o kayo magbibigay?
Pero nararapat itong pahalagahan sa kabuhayan. Hindi sa kung anu-anong walang bagay. Ma-took ninyo, may mga nakapagpa-hairbond pa sa ayudang ibinigay sa kanila. Kesehodang mahabang pila sa gitna ng init ng araw ay pinagtiisan, may mapagdibersiyon lamang kahit tongits-tongitan. Sino bang makapagsasabing dahil sa pandemya ay lalong naghirap ang kanilang kabuhayan? Kaya iyung mga nagbabayad ng buwis sila ang napagdiskitahan. Kinukunsinti raw ng pamahalaan sa katamaran to the maximum level ng kasutilan! Ano, kaya may umaasa, dahil lagi nang may nagbibigay ng pag-asa?
Ano nangyari sa mga mahal nating kababayan? Imbis na ipambili ng pagkain sa hapag-kainan ay kung anu-ano inu-unang pagkagasatahan. Bago, tuloy pa rin ang reklamo sa pamahalaan nang ang lockdown ay nagtagal-tagal. Umabot na sa puntong may namamalimos sa lansangan dahil walang pasadang pagkakakitaan. Saka ang lahat na yata ng kapitbahay ay ‘online seller nang biglaan. Reklamo nila, sila-sila na lamang ang nagbibilihan. Tapos, sila pa ang walang patumanggang bubuwisan. Unfair daw sa kakarampot nilang pagkakakitaan. Teka, nabasa na ba nila ang buong batas ng pagbubuwis sa online selling business bago sila tumungayaw? Pahirap sa sariling kalooban ang walang nalalaman. Puro hinagpis na lamang sa buhay!
Naku po, dumating pa sabay-sabay ang bill ng kuyente, tubig, bahay na inuupahan at bayad sa mga utang. Kumbaga sa earthquake, may iba-ibang aftershocks pa palang susuungin sa buhay na mararanasan kay COVID -19, kaya maraming hagulhulan at himatayan ang naging kaganapan sa kapaligiran. Buti na lamang iyong mga hinimatay nagkamalay at natauhan sa takot yata na baka sila ay paglamayan. Eh, kasi naman naisip din nila dahil sa coronavirus na kinatatakutan, hindi sila puwedeng paglamayan. Abo na lamang na dadalhin sa bahay. Sayang nga naman kapag namatay ay walang pagkakakitaan ang pamilyang maiiwan dahil bawal ang inuman at sugalan dahil bantay-sarado sa mga barangay ng magkahigpitan. Aral nito sa buhay, basahin ang Ten Commandments ng Saving and Investment ng The Cents of Money para may matutunan.
Ang kulang sa atin ay edukasyon sa buhay.
Ang mabuting edukasyon ay pagkatuto sa buhay.
Kung nabasa sana ng marami sa atin ang isang post sa facebook at naunawaan, marahil iba ang takbo ng pangyayari sa aral ng buhay. Ang sabi sa post, “There are two types of pain: One that hurts you, and the other that changes you.” Kapag nasaktan ka sa nangyari at nahirapan, maaaring magbago tayo dahil may natutunan sa mapait na karanasan. Samantala, sa paliwanag naman hinggil sa bagay na ito,” There are three reasons why people change: 1. They have learned a lot; 2. They have suffered enough; 3. They have got tired of always the same thing.” Ibig sabihin, nagbabago ang tao kung may natutunan siyang sapat sa nangyari sa kanyang buhay. Kung labis na siyang nagdusa at nahirapan. At panghuli, pagod na sila sa pauli-ulit na pangyayari. Kaya ang pakiusap, huwag iasa ang sarili sa kahit sino, dahil kahit sarili mong anino, iiwan ka kapag madilim na ang paligid mo.
ENGAGE IN LEARNING. READ, LIKE, SUBSCRIBE and SHARE.
For purchase, please contact 0927-2450838
For More Information about life plans... please contact
Mary joy Torres Fernandez
09669249487
Comentários