top of page

THE BEST TEACHER














 

Sino best teacher mo?

Tiyak na doon ka mahusay sap ag-aaral!


Pero … tabi … tabi po …

Basahin lamang po at unawain ang paliwanag at nasasainyo na ang pagkukuru-kuro.

Ang paniniwala ng mga estudyante, ang lahat ng guro ay matalino dahil maraming nalalaman. Samantala, ang mentalidad naman ng ibang magulang - kapag mahina ang ulo ng kanilang mga anak ay sinasabing mag-titser na lang. Parang ganoon kababa ang pagtingin sa abilidad ng mga guro na humawak ng napakaraming mga bata at kung anik-anik pang Gawain may kinalaman sa community service. Tandaan, mahirap husgahan ang isang bagay kung wala tayo sa ganoong kalagayan. Pero taka naman ako, batay na rin sa karanasan ng maraming magulang, mas naniniwala ang mga anak nila sa itinuturo ng teacher kaysa sa itinuturo nila. Yet, sinasaabi nilang kapag mahina ay mag-titser na lang! May lohika ba sa katwiran. Fact check muna tayo bago husgahan.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407


Dear Wives/Husbands,

Life Insurance is NOT an EXPENSE. Help your husband/wife make a better decision.

Be an #InsuredMister and #InsuredMisis now. It's one of the best gifts for your family.

Lalo na this time of pandemic, kelangan ng enough protection. Health is wealth! Invest in your health, more than anything.

I can help you set up your insurance policy. Let's meet online!

ctto

 

Pangkaraniwan iniaasa ng mga magulang ang pagkatuto ng kanilang mga anak sa pagpapasok ng mga bata sa paaralan. Kaya tuloy higit na pinaniniwalaan ng mga batang mag-aaral ang kanilang guro kaysa sa sarili nilang magulang. Hindi naman puwedeng magpayo ng gagawin ang basta sinuman lamang kung hindi ito mga nakapag-aral ng pagtuturo at lalo na kung walang karanasan sa pagsubaybay sa pag-aaral. Sanhi nito, nakasalalay na lamang sa mga kamay ng guro ang magiging kapalaran ng bata sa pagkatuto na dapat sana ay katuwang ang magulang.


Ang tanong:

Paano kung ang guro ay kapos sa kasanayan at karanasan?

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

Nabasa ko sa Brut India Facebook. Com ang post na may pamagat na Online Classes: Strong Advice For Nosy Parents ni Dr. Robert Anthony, isang surgeon sa India na minsan ay may isang magulang sa India ang nag-expose na ang online class sa private school nila ay mahina ang kalidad ng mga guro dahil nakikita ng magulang ang ginagawang pagtuturo ng mga teacher sa kanilang mga anak. Naku, kabilang sa mga nirereklamo ay poor pronounciation, spelling errors, the harsh tone of voice, and the lack of warmth or lack of friendliness. Ang point ng magulang ay malaki ang tuition fee na binabayaran para sa ganoong klase ng pagtuturo na makikita niya na hindi kasiya-siya. Nosy talaga sila, hindi maingay kundi lagging nakabantay o nagmamanman. Eh, ang punto lang naman nanghihinayang sa ibinabayad na matrikula.

 

Sa kabilang banda, ang pananaw ni Dr. Antony ay hindi lamang sa husay sa pagbigkas ng salita makikita ang husay ng guro sa pagtuturo, bagkus, paano naipauunawa ang itinuturo sa mga bata kaya nakikinig ang mga ito sa pagtuturo ni teacher. Minsan nga lang dahil sa takot … HeHeHe … Kumbaga, ‘ika niya, “it is the end result which matters not the presentation.” Hindi rin maaaring ihambing ng magulang ang ginagawa nilang lambing sa pagtuturo sa kanilang anak (kung malambing nga sila) dahil isa o ilan lamang ito kumpara sa hawak ng teacher na isang buong klase na umaabot sa apatnapu hanggang mahigit limampu. Hindi ganoon kadali ngunit, nagagawa pa rin ng mga guro ang kanilang pagtuturo. Ang katwiran ni Dr. Anthony, ang mga guro ay trained bilang mga propesyunal. Hindi nga lamang sa pagtuturo sa distance learning na bago sa kanila dahil sa lintik na pandemya na bigla na lamang umarangkada. Si Bill Gates nga lang na isa sa pinakamayang tao sa mundo. Dahil sa kaniyang propesiya o hula sa pandemic, inakusahan pang plandemic plan daw ng grupo niya.

 

"Bakit ka gagastos sa kuryente ng mahal kung may solar Christmas lights naman?"

Php 400.00 only, 100 bulbs, available in gold, blue, green colors,

send your order to Kris – 639499704741.


 

Bagama’t hindi excuse ang mga kakulangan ng guro sa pagtuturo, kailangan din maging mapang-unawa ang magulang dahil ang mga guro ay patuloy pa ring nag-aaral sa kanilang pagtuturo kahit na sabihing sila ay mga trained professionals at linsensiyado. Saka tulad din naman ng ibang mga magulang at estudyante, ang mga guro ay nakararanas din ng takot at pagkabahala dahil sa bagong sistema ng pagtuturo dahil sa coronavirus. Idagdag pang apektado rin sila at ang kanilang pamilya sa nangyayaring lockdown sa bansa. Ang pakiusap ni Dr. Anthony ay huwag na sanang dagdagan ng magulang ang stress ng mga guro sa pagtuturo sa pagpuna.

 

Minsan nagkaroon ng pagtatalo hinggil sa pinakamagaling na guro. Ang sabi ng English teacher sila ang pinakamath-alino dahil matututunan ng mga bata ang mga lesson nila kung hindi marunong bumasa at umintindi ng ingles ang mga bata. Sabi naman ng Filipino, sila, dahil mas maiintindihan ang ingles kung alam sa tagalog. Gaya ng virtue, ang pakahulugan ng iba ay birtud o anting-anting – ang totoo, ang kahulugan ng virtue ay kabutihan.Kaya sinasabi ng mga Filipino teachers na mas magaling sila sa English teachers, dahil pagsasalin-wika ang forte nila na pinag-aaralan. Ang pabida ng mga Science teacher ay sila ang pinakamagaling dahil lahat ng pag-aaral ay nakasalig sa agham ng katotohanan. Factual, talaga. Pansinin daw natin lahat ng depenisyon ng pag-aaral laging may sinasabing “science study of etcetera … etcetera.” Hindi nila isinama ang art gayung laging may “science and art of study” sa mga depinisyon. Siguro dahil component ng MAPEH ang Arts at hindi yata nila alam na ang lahat ng aspeto ng pagtuturo bilang disiplina ng pag-aaral ay dapat na may sining o arte na kasama para makapukaw ng isipan at looban sa pag-aaral ng lahat. Baka raw ayaw ng Science na may kahati sila sa talino. May ganoon ba?

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741

 

Eh, ang Math teacher naman ang nagsabi ng walang kamatayang saktong science ang math, kaya sila ang pinakamagaling dahil sinasakto nila lahat ng dapat malaman sa pag-aaral lalo na sa science. Hindi naman pumayag ang nagtuturo ng Social Studies na hindi sila ang pinakamagaling. Ang katwiran nila, Social Sciences (Social Studies ang katawagan sa hayskul) sila noong nag-aaral sa kolehiyo at hindi lang Science basta-basta ang pinag-aralan nila at itinuturo sa mga bata, may Social pa! Ang tao, lipunan, kasaysayan, kultura at pamumuhay ang pokus sa Social Studies o Araling Panlipunan para din daw sa Edukasyong Pagpapakatao. Pinag-aralan nila ang Social Sciences ng ingles mula sa History, Sociology, Philosophy, Economics, Anthropology, Law at kung anu-ano pa sa buhay ng tao sa kolehiyo at itinuturo naman ng tagalog sa hayskul. At kung may Science sa subject nila para maging sakto sa lahat ay may Math pang sumasakto!


Aber,

sinong guro nga ba ang pinakamatalino sa lahat?

Ang sagot ng kausap ko:

Kung sino pinakamataas ang IQ, EQ, AQ, SQ at CQ!


READ, LIKE, SUBSCRIBE and SHARE



Comments


bottom of page