top of page

THE DIFFERENCE














 

Ang latin phrase na “scientia potentia est” ay nangangahulugang, “knowledge is power.”

Kapag ginawa naman nating, “scientia potestas est,” ang ibig sabihin naman nito ay “knowledge itself is power.”


Ang kawikaang nabanggit sa Latin ay nagmula sa mga panulat ni Francis Bacon. Ang talinghaga ay nagsasabing “Iba pa rin ang tama ng nalalalaman dahil pinag-aralan at pinag-isipan.” Ang mga taong nagsikap at nagtagumpay sa kanilang pag-aaral ay nagiging makapangyarihan sa lipunan kaniyang ginagalawan. Hinahangaan siya at iginagalang. Indeed, knowledge is power per se (itself).

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

Teka …

alam ba naman nang marami sa ating ang kahit kahulugan ng akronim ng COVID? Bakit may numerong 19? Saka bakit sinamahan pa ng korona kaya naging coronavirus? Saan ba talaga ito nanggaling na bansa at bakit nakamamatay? Totoo nga kayang nakakahawa kaya pati tuloy kabuhayan ay nadadamay dahil sa lockdown? Kung alam ng mga tao, bakit marami pa rin sa kanila ang pasaway?

 

Ibig kong linawin sa inyo na ang KAALAMAN o knowledge na sinasabi ay mga impormasyon na natututuhan sa paaralang pinapasukan sa pamamagitan ng itinuturo ng mga guro na hango sa aklat at iba pang kasangkapan sa pag-aaral. Ngunit, ang lahat ng iyon ay pinagyaman ng tuklas na karanasan sa pagkatuto. At para sa mga guro, dapat ituro ito sa paraang maku-curious ang bata para magkaraon sila ng interes at matandaan nilang mabuti ang kanilang pinag-aaralan. Kapag inalam nila ang mga lihim ng kaalamana ay magkakaroon na sila ng kaalaman. Take note, ang salitang malaman ay hindi nalalayo sa salitang kaalaman.Kumbaga, kung inalam mo ang isang kaalaman, may malalaman kang maaaring hindi alam ng iba. Magkaganito, lamang ka na ng dunong sa karamihan lalo na kung palabasa ka.

 

Simpleng kaalaman – ano ang pagkakaiba ng bacteria, virus at germs? Ano ba sa mga ito ang sanhi ng COVID -19? Baka kasi hugas ka nang hugas ng kamay gamit ang sabon pang-bacterial, eh virus ang ating kalaban! Get ninyo? Kaya ang sabi din ni Imam Ali, “knowledge is power” dahil kaya nitong magpasunod ng tao. Kung alam ng tao at nauunawan kung gaano kadelikado ang coronavirus, maluwag sa kalooban nila na sundin ang mga alituntuning (health protocols o polisiya) na ipinatutupad ng pamahalaan, ngunit bakit hindi ito nangyayari sa kabila ng maraming impormasyon ipinakakalat sa diyaryo, radyo, telebisyon at social media? Pagkaminsan pa nga ay ginagawang kalokohan ng iba at hindi nila sineseryposo. Ang dahilan – hindi pa nila kasi nararanasan ang hirap at sakit ng tamaan ng sakit ng COVID -19. Sakaling maranasan nila ito ay sila na mismo ang mangangaral sa ibang tao.Kaya matuwid na masasabing, “one who has wisdom is powerful of things.” Ang mismong aral ng karanasan ang magbibigay-daan sa pagkatuto ng karunungan. Kumbaga, ’sapiential est potential’ na “wisdom is power” ang ibig ngang sabihin.

 

"Bakit ka gagastos sa kuryente ng mahal kung may solar Christmas lights naman?"

Php 400.00 only, 100 bulbs, available in gold, blue, green colors,

send your order to Kris – 639499704741.

 

Ang pagkakamit ng kaalaman ay hindi basta paglilinang kung paano mag-isip ang isang nag-aaral, bagkus, ginagawa nitong madali at kasiya-siya ang pag-aaral dahil nauunawaan sa nakakatuwang paraan. Mangyari, may mga tagapagturo na ginagawang komplikado ang pag-aaral ng mga bata gayun pwede naman gawing simple at kasiya-siya. Another thing, ang kaalaman ay hindi lamang cumulative o pagsasama-sama, marapat na ito ay exponential o pagpapalago. Ang mga mag-aaral na may sapat na kaalaman ay madaling matuto nang marami pang kaalaman at madali nilang maikokonek ito sa iba pa nilang nalalaman hanggang sa maging holistic o pangkabuuan ang pananaw.

 

Nagkakaroon lamang ng bisa ang kaalaman kung ito ay nagagamit, tinutupad at sinusunod na alintuntunin sa buhay. Kapag isinagawa ito, nagkakaroon ng karanasan sa pagkatuto ang tao. Kaya kaugnay nito ang sinasabing scientia potential est at sapientia est potential ay nagiging talinghaga na “wisdom is power.”Mangyari, ang KARUNUNGAN o wisdom ay binubuo ng mga kaalaman, karanasan at pag-unawa sa mga ito. Sa pamamagitan ng karunungan ang tao ay natutututong gumawa ng desisyon, magbigay ng payo at magkamit ng pinakamalaking tagumpay sa sitwasyong kinakaharap. Simpleng pag-unawa ito kung paano tayo tuturuan ng karanasan para matuto.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

May naniniwalang alam natin ang isang bagay kung ating natutuhan. Ngunit sa ganang aking natutuhan bilang guro ng buhay at mag-aaral sa paaralan ng kaalaman, ito ay mangyayari kung praktikal nating naunawaan ang sinasabing kaalaman tungo sa ganap na karunungan, at kung ito ay tumimo sa ating isipan at kalooban dahil ang edukasyon ay para sa maayos na pamumuhay. Iba nga kasi ang kaalaman sa karunungan na matututunan sa araw-araw na pamumuhay. Mangyari pa, pumapasok tayo sa Paaralan ng Kaalaman upang may matutunan tayo bilang paghahanda sa pagpasok natin sa Paaralan ng Buhay kung saan matututunan naman natin ang karunungan sa buhay.

 

Isang tanging gabay na dapat lagi nating alalahanin ay ang matuto tayo sa pang-araw-araw na karanasan, lalo na sa mga pagkakamali sa buhay kung sinadya man o hindi upang huwag nang maulit pang muli gamit ang kaalaman. Ang pagsasama ng dalawa ang titiyak sa tagumpay natin sa buhay. May mga tao kasing matatalino sa kaalaman sa paaralan ang hindi naging maayos ang buhay sanhi ng kawalan ng karanasan na magamit ang nalalaman sa buhay. Minsan kasi ay takot silang magkamali. Katwiran nila, magaling sila para magkamali. Hindi nila nauunawaan na mas matututo sila sa mga kabiguan. Samantala, may mga hindi naman maalam sa kaalaman ang naging matagumpay sa buhay sapagkat, ang guro nila ay ang kanilang karanasan. Sila ang mga nakaranas ng matitinding kabiguan kaya nasabi ni Thomas Watson Jr, “If you want to increase your success rate, double your failure rate.” O, ‘di ba may math talaga sa katwiran ang matha-alinong tao.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407


Dear Wives/Husbands,

Life Insurance is NOT an EXPENSE. Help your husband/wife make a better decision.

Be an #InsuredMister and #InsuredMisis now. It's one of the best gifts for your family.

Lalo na this time of pandemic, kelangan ng enough protection. Health is wealth! Invest in your health, more than anything.

I can help you set up your insurance policy. Let's meet online!

ctto

 

Ang pagkatuto na isinasaalang-alang sa aklat na ito ay ang pagiging sensitibo sa lahat ng bagay tulad sa pagmamasid, pakikinig at pandama sa paligid at sa mga pangyayari. Hindi lahat ng nakikita at naririnig ay iyon na at tama na sa pananaw. Kahit sa pagbabasa ng anuman aklat, nararapat pag-isipan ang bawat nilalaman. Hindi lahat ng sinasabi sa aklat at naririnig ay tama. Kahit sa facebook ay maraming fake news. Kaya nga ang pinakamahalaga sa pag-aaral ay inaalam ang tama at mabuting kaalaman at katunungan.

 

Hindi rin ‘komo nakikita at ginagawa nang marami ay sasang-ayunan na. Ang kawikaan nga “We are not given a Good Life or a Bad Life. We are given life, and it’s up to us to make it Good or Bad.” Mangyari, nasa tamang pananaw lamang ito ng mga pangyayari sa ating buhay. Huwag masyadong paka-apekto dahil anumang ang nangyayari ngayon ay lilipas din, ngunit mahalagang may natutunan tayo. Ibig mo bang maging mabuti o masama ang iyong buhay? Pag-aralan mo ang nangyayari sa iyong araw-araw na pamumuhay.


ENGAGE IN LEARNING.

READ, LIKE, SUBSCRIBE, and SHARE.


Comments


bottom of page