EDUCATION FOR LIFE
- lazarotorresjr2020
- Sep 9, 2020
- 3 min read
Updated: Sep 30, 2020
Life is Education Per Se.
Ang buhay mismo ay isang pag-aaral.
Kung hindi mo pinag-aaralan ang nangyayari sa iyong buhay, hindi ka matututo, at ang tanging pagbabagong magaganap ay magulong pamumuhay.
Dahil ang Edukasyon ay paghahanda para sa magandang kinabukasan.
Sa kuwento ng pelikung Genius, may isang tatay ang hindi nasiyahan sa itinuturo ni Einstein. Sinabihan ang ating bida na turuan ang kanyang anak ng algebra at nang hindi kung anu-ano na walang kinalaman dito dahil iyon ang kailanagan. Ang katwiran ni Einstein, “But what good is algebra if you have no understanding how it applies to the larger question of science?” Kailangan nga naman maintindihan ang algebra sa buhay. ‘Di ba genius ang mind ni Einstein?
Alam kasi ni brother Albert ang halaga ng pagkatuto ay nasa mabuting pag-unawa na ang “Math is an exact Science.” Kaya sakto siya sa kaalaman at katwiran? Genius ka kapag ang katanungang mo ay, “what good is algebra if you have no understanding how it applies to your personal life?” Alam mo na kasi ang dahilan ng “finding the value of ‘X’ and ‘Y’ sa punto ng sanhi at epekto sa pagbabalanse ng buhay. Tulad din siya sa ‘balancing of equation’ sa kemistri na kapag nagkabisala ay sasama ang ‘chemical reactions.’
Sa ngayon, dapat maunawaan nating lahat kung bakit ba may ‘quarantine advice’ na ipnalalabas ang ating pamahalaan kada buwan. Alalahanin nating ito ay nakabatay sa estadistikang kalagayan ng pandemay ng coronavirus sa ating bansa kung General Community Quarantine (GCQ), Enhanced Community Quarantine o Modified Enhanced Community Quarantine. Hindi naman kasi puwedeng ‘total lockdown,’ or else mapaparalisa ang ating pambansang ekonomiya at lalong marami sa ating mga kababayan ang mahihirapan sa kabuhayan. Ngunit, anuman ang maging kalagayan ng ating quarantine, kung hindi naman natin susundin ang mga health protocol ay mawawalan din ng silbi.
Makikita natin sa ating kasalukuyang kalagayan ang kahalagahan ng edukasyon mula sa mga nangyayaring kaguluhan sa loob ng bahay, sa mismong komunidad na kinabibilangan, sa bansang humihingi ng kalayaan, at sa daigdig na hindi malaman ang gagawing kaayusan sa gitna ng pandemya. Kadalasan kasi iniisip ng tao ang edukasyon ay sa pagbabasa, pagsusulat, pagtatanong at pagtatalakay para sa kaalamanan. Lihis sa kanilang karunungan na bahagi lamang ang mga ito ng napakalawak at komplikadong sistema ng pagkatuto kung ibabatay sa kalidad.
Ang edukasyon bilang panghabambuhay na prosesong ay walang tiyak na simula at katapusang pag-aaral at pagkatuto. Binubuo ito ng iba’t ibang uri ng karanasan, kapaligiran at pakikisalamuha sa ibang tao at masusing pakikipagtalastasan, subalit hindi na nga ganito kabuo dahil sa bagong normal sa edukasyon na katulad nang dati na may face-to-face intearaction ang guro, mag-aaral at kaniyang mga kaklase.
Ang sabi ni John Dewey sa edukasyon, “Education is not preparation for life; education is life itself.” Kung paano natin gagamitin ang natutunan sa pag-aaral sa buhay, at ang karanasan mula sa pang-araw-araw na pamumuhay sa kasalukyang kalagayan ng ating buhay, ay ang siyang tunay na susi ng mahusay na pagkatuto hindi lang sa kaalaman. Katumbas din ng edukasyon ang pagkatuto para mabuhay na siyang tunay na karunungan sa edukasyon.
Lubhang napakahalaga ang edukasyon para sa buhay dahil napagagaan nito ang mabibigat na hamon sa buhay kung matututunan niya lang ng tama at mahusay. Ang karunungang matatamo sa pag-aaral ay magbubukas ng oportunidad hindi lamang sa pagkakaroon ng magandang propesyon o trabaho, bagkus, sa pagpapaunlad din ng pagkatao tulad sa sinasabi sa pinakadakilang aral sa Edukasyon na “Give man a fish and you feed him for a day; teach man to fish and you feed him for a lifetime.”
Ang katwiran ng talinghaga ay turuan natin ang taong mamuhay at hindi ang umasa ng ikabubuhay para sa ganitong pagkakataon ng problemang dulot ng pandemya ay hindi buong buhay ay iaasa sa tulong ng pamahalaan. Magsisikap din sila para sa kanilang sarili at pamilya para sa magandang kinabukasan.
Ang “education not for living instead for life” ay ang pag-aaral hindi lamang para sa tiyak na ikabubuhay pagdating ng panahon kundi para sa kung paano mamumuhay nang maayos at masaya. Matalino nga at matagumpay ang tao, ngunit hindi masaya, ano pa ang silbi ng kanyang buhay? Ngayon, para sa tiyakang mabisang pagkatuto, isulat ang tatlong natutunan sa paaralan noong mga nakaraan at kung paano mo ito nagagamit sa buhay.
Ang itatanong natin sa tuwing tayo ay nag-aaral,
“may natututunan ba ako tungkol sa pang-araw-araw na buhay?”
ENGAGE IN LEARNING. READ, LIKE, SUBSCRIBE and SHARE.
Mas nagiging maalam tayo kung ang ibinabahagi sa ating kaalaman ay ituturo rin natin sa iba.
Comments