May malalim na dahilan kung bakit kailangan may hanapin tayo sa bawat sandali ng paglalakbay-buhay natin sa mundong ito. Ang dahilan ay mahalagang malaman ito, matuklasan at matutunan. Tulad ng lihim ng kaalaman at karunungan, na siya nating magiging sandata sa pakikihamok sa mga pagsubok na hindi inaasahan. Bagama’t ang iba sa atin ay patuloy na hinahangad ang pagtuklas upang magkamal ng salapi at kayamanan, maging makapangyarihan at sikat sa marami. Ngunit, ang tunay na layunin sa buhay ay hindi natatagpuan bunga na rin ng misteryong hiwaga ng buhay, na kung tayo lamang ay taimtim na mananalangin – tayo ay gagabayan ng Espiritung Banal.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Sino ang mga dumating noong ikalabindalawang araw ng Pasko?
Kakaiba ang layunin ng paghahanap ng Tatlong Haring Mago o Pantas. Ito ay ang hanapin kung saan isinilang ang sanggol na si Hesus upang sila ay makapagbigay-galang, sumamba at maghandog ng dakilang alay. Noong una pa lamang kasi ay alam nilang si Hesus ay Dakilang Hari ng sanlibutan na isinilang dahil bago pa man ay nabasa na nila sa mga prophecy o hula na tatanglawan nang napakaningning na bituin sa kalangitan ang sinumang maghanap. Ganoon din tayo sa ating buhay kung mabuti ang hangarin natin hindilamang para sa sarili kundi pati sa ating kapwa.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Noong ika 6 ng Disyembre ay ipinagdiwang natin ang Three Kings o Pista ng Tatlong Haring Mago; ang ibig sabihin ng salitang mago (magi sa English) ay madyik dahil may ibig sabihin ang bawat nilang pangalan: Melchor ay king og light, Gaspar ay the white one, and Balthazar, the lord of treasure. Kakatwa rin sa pangyayaring iyon na kinatawan ng kanilang pangalan ang edad ng tao: Ang Gaspar ay young (bata), ang Melchor ay middle-aged (nasa gitnang edad), at ang Balhtazar ay ancient (matanda). Pansin din ninyo, kinatawan sila ng iba’t ibang lahi ng tao sa mundo – puti, itim at kayumanggi?
Hello po! Sa pagkakaalam nang iba sa atin ay mayroong tatlong haring mago ang dumalaw, ngunit kung paka-aaralin ito ay hindi lamang totoo, bagkus, simboliko rin bawat lipi. Sang-ayon sa tradisyong kanluranin ng simbahan - si Balthasar ay kinatawan ng hari ng Arabia, o Ethiopia; si Melchoray bilang hari ng Persia, at si Gaspar bilang hari ng India. Samantala, ang kanilang handog na ginto ay simbulo ng kadakilaan ng sanggol na si Hesukristo (ang interpretasyon ng iba ay pera at kayamanan ang ginto), ang kamanyang ay sagisag ng pagiging espesyal na tao ni Hesus na sanggol bilang Anak ng Panginoon dahil ito ay pabango, ang ang mira naman na na ginagamit sa pag-eembalsamo sa patay ay simbulo ng walang hanggang buhay at walang katapusang paghahari ng isinilang na Sanggol. Bagama’t simbulo rin ito sa pagkamatay ni Hesus bilang sakripisyong banal ay naglinis sa kasalanan ng sanlibutan. Mangyari, sa huling araw ng kapaskuhan (noong Three Kings – January 6), manalangin tayong ang pinakadakilang layunin ng ating pagdiriwang ay ang diwa ng pagsamba kay Hesus higit sa anupamang bagay sa mundo.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Ngunit sa kabila ng katotohanan ng kuwento ay may sinasabi ring ika-apat na Haring Mago na isang pari na ang pangalan ay Artaban mula sa Persya. Tulad ng tatlong hari, natanawan niya rin ang bituin sa kalangitan na naghuhudyat na ang Hari ng Hudyo kung tawagin ay isinilang. Naglakbay rin si Artaban upang makita ang bagong silang na sanggol na si Hesus dala-dala ang kayamanang handog na sapphire (o sapiro), rubi, at ang mamahaling perlas. Minsan ay napahinto siya sa kanyang paglalakbay upang tulungan ang isang nag-aaagaw-buhay na lalaki, kung kaya’t hindi siya nakasabay ng tatlong hari sa pagdalaw. Hindi rin siya nakahabol dahil hindi siya makatawid ng disyerto lulan ng kabayong sasakyan. Napilitan pa siyang magbenta ng kayaman upang may masakyang kamelyo (camel) at bumili ng iba pang pangangailangan para sa malayong paglalakbay. Nahuli siya ng dating sa Betlehem para makita at makapag-puri sa batang si Hesus sapagkat itinakas na ito ni Maria at Jose patungong Ehipto dahil sa banta ni Haring Herodes na ipapatay ang mga sanggol na bagong silang sa katakutan nitong isinilang na nga ang Hari ng mga Hari.
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
TOTAL Covid-19 related claims paid by the insurance industry have already hit P2.3 billion as of September last year, according to the Insurance Commission (IC).
Amazing! Thank God for insurance! Proud insurance agent here!
Let me help you start your 2021 with Hope and Peace of Mind having adequate Health Coverages and Wealth accumulation.
Read full news at https://businessmirror.com.ph/.../insurance-sector-pays.../
-ctto
Nagpatuloy sa paglalakbay si Haring (Pari) Artaban patungong Ehipto upang hanapin si Hesus sa mahaba-habang panahon. Habang hinahanap niya si Hesus ay nagkaroon siya ng pagkakawang-gawa sa mga taong nangangailangan gamit ang kayamanan niyang dala-dala bilang handog sana kay Hesus. Pagkaraan ng tatlumpu’t-tatlong taon paghahanap ay nakarating siya sa Herusalem na tiyempo sa sandali ng pagpapako kay Hesus sa krus. Ginugol ni Artaban ang huling kayamanang perlas bilang ransom sa isang batang babae na ibinebenta para maging alipin. Hindi inaasahang nabagsakan siya ng tipak na bato. Noong mga oras na iyon na babawian siya ng buhay nang hindi pa natutupad ang hangarin niyang makita si Hesus ay may narinig siyang mahiwagang tinig na nagwiwika na:
“Ang alinmang kabutihang ginawa mo sa pinakahamak sa mga kapatid ko,
ay ginawa mo na rin sa akin.” Mateo 25:40
Payapang pinawan ng buhay si Artaban.
Mababakas sa kanyang mukha ang sinag ng hindi matatawarang kaligayahan.
Ang kuwentong nabanggit ay hindi nalalayo sa kuwento ng nobelang Ben-Hur: A Tale of the Christ na akda ni Lew Wallace bilang allegory o alegoriya ng buhay ni Hesukristo. Kung saan angmga tauhan, tagpuan, pangyayari at iba pang sangkap ng kuwento ay may mahalagang sinasasagisag. Kalokohan naman nating mga Pinoy, may tatlong hari rind raw na hindi nakarating, kayat yung isa ay pumunta sa USA – SI Burger King; yung isa ay pumunta sa China – si Chow King; yung isa ay naligaw sa Pilipina – si Tapa King!
Read, Share, and Subscribe.
コメント