Intelligence Quotient IQ …
mataas ang antas ng kaalaman at pang-unawa.
Alam din kun gpaano gagamitin ang nalalaman at karanasan sa buhay.
Karamihan sa mga iskolar ay itinuturing ang katalinuhan sa isip bilang kapasidad na makaunawa nang makatwiran, mahusay sa pagdededesisyon, mapamaraang paglunas sa problema, mahusay na pagpaplano sa mga gagawin, pagiging malikhain hindi lamang sa anyo ng sining at kakayahang mamuno nang maayos. Ang isa pang pakahulugan sa Intelligence Quotient ay kakayahang matuto at gamitin itong kaparaanan bilang angking talino. May nagtanong sa klase “Bakit may “Q” sa intelligence? Ang sagot “Mayroon daw kasing quiz para malaman ang saktong talino. Okey na rin ang sagot kasi kapag may quiz sa intelligence, kokompyutin ang ‘quotient” ng tama at maling sagot sa pamamagitan ng division. And what is quotient?
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Sa simpleng arithmetic ang ‘quotient’ ay sagot mulasa sa division ng numero sa ibang numero. Kung 12 divided by 2 is equal to 6, ang six ang quotient. Ngunit sa Intelligence Quotient (IQ), “ it is a number representing a person’s reasoning ability(measured using problem-solving tests) as compared to statistical norm or average for their age, taken as 100. Ang pormula ng IQ ay intelligence age divided by actual age multiply by 100. Ang ‘unknown value’ sa pormula ng intelligence age ay ang paghahambing nito sa antas ng talino batay sa edad kumpara sa aktuwal na edad at imu-multiply sa 100. Ang intelligence test ang magsasabi ng ‘unknown values’ para makumpleto ang pormula at magtakda ng pangkalahatang IQ scores.
Alinsunod sa pamatayan, ang bawat IQ Score ay may kaugnay na paglalarawan ng angking talino gaya nito: Ang score na 145-160 ay ‘Very gifted or highly advanced;’ ang 120-129 ay ‘Superior;’ ang 110-119 ay ‘High Average;’ 90-109 ay ‘Average;’ 80-89 ay ‘Low Average;’ ang 70-79 ay ‘Borderline impaired or delayed;’ ang 55-69 ay ‘Mildly impaire or delayed;’ ang 40-54 ay ‘Moderately impaired or delayed.’ Layunin ng pagdedetermina ng IQ na magabayan ang tao na mapataas ang ang iskor para maitakda ang saktong uri ng edukasyong kinakailangan.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Sa pamamagitan din IQ ay matataya ang kakayahan ng isang tao kung paano niya gagamitin ang kanyang natutunang kaalaman at makatalinong makapangatwiran sa mga isyu o problemang kaugnay nito at saka makagawa ng prediksyon o hula sa bagay na nangangailangan ng kapaliwanagan. Iniisip ng ibang tao na ang talino ang dahilan kung bakit ang may nagiging matagumpay sa buhay. Ang paniniwla naman ng mga sikolohista o psychologists ay may mga pagkakataon lamang. Maging sa simpleng kuwento na may palaisipan ay mahihinuha ang angking talino ng tao sa pamamagitan ng pagpapasya at pangangatwiran tulad ng inilalahad sa kuwento ng Ang Babaeng Ubod ng Talino. Naririto ang kuwento upang inyong pag-isipan …
Ipinautos ng Hari sa kanyang alipin na dalhin ang isang maliit na ibon kay Marcela at ipagluto siya nito ng labindalawang putahe upang masubukan ang pambihirang talino ni Marcela. Nang makarating kay Macela ang alipin, ay inatasan nitong sabihin sa mahal na hari na kung makagagawa ang hari ng labindalawang kutsara sa pamamagitan laman ng karayom na ginagamit niya sa pananahi, ay makagagawa rin siya ng labindalawang putahe sa pamamagitan ng isang maliit na ibon. Ikaw, kaya mong gawin ang iniaatas ng bawat isa sa kanila- labindalawang sa isan gmaliit na ibong lulutuin? Labindalawang kutsara sa gamit ang isang karayom?
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Ang pangalawang pagsubok ay nais ng hari na ipagbili ni Marcela ang tupang ipinadala niya sa alipin at ibalik sa kanya ang salaping mapagbibilhan pati na ang tupa. Ang ginawa ni Marcela ay inalis ang balahibong balat ng tupa at ipinagbili ito saka ipinabalik niya sa alipin ang pinagbilhan ng balat ng tupa pati na ang tupang wala nang balat. Hindi nga ba matalino talaga si Marcela dahil sa mahusay na kaparaanang ginawa niya? Naisip mo bang ganito ang iyong gagawin? O baka may iba ka pang naisip na mahusay na paraan?
Sa huling pagsubok ay pinasabi ng Hari na siya ay maysakit at ang tanging lunas lamang ay ang gatas ng lalaking tupa. Kung hindi maibibigay ni Marcela ang gatas ng lalaking tupa ay aalisin ng hari sa paninilbihan sa palasyo ang kanyang ama. Noong oras namang iyon ay ipinagbawal ng hari sa sinuman ang paliligo o paglalaba sa ilog dahil gagamitin niya ang ilog sa paliligo. Nagkatao na si Marcela at ang kanyang tatay ay nagkatay ng isang baboy. Ikinalat nila ang dugo sa isang kumot at mga unan. Inilagay ni Marcela ang kumot at unan sa bukana ng ilog. Noong sandaling iyon ay naliligo ang hari. Sinita ng hari si Marcela kung bakit naglalaba gayun ipinag-utos niyang gagamitin niya ang ilog sa paliligo.
Ang katwiran ni Marcela ay naging tradisyon na nilang labahan ang gamit ng taong nanganak. Dahil sa nanganak ang kanyang ama ay walang siyang magawa kundi sundin ang tradisyon. Natanong ng hari kung paanong magkakaanak ang kanyang ama, eh, lalaki ito. Ang katwiran ni Marcela, tuladng utos ng hari, imposible ngang manganak ang kanyang ama tulad ng gatasan ang isang lalaking tupa. Dahil labis na humanga ang hari sa talino ni Marcela ay pinakasalan niya ito at sila ay nagsama ng maligaya. Ano ang talino ni Marcela ang natutunan mo? Hindi kaya maging matalino ka ring tulad niya kung lagi kang magbabasa ng tungkol sa kaalaman at karunungan tungkol sa buhay?
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Bilang isang Pilipino, kung hindi mo kilala si Jose Rizal, maituturing ka bang low IQ ? Hindi kaya ang ganitong katanungan ay pagtataya lamang ng antas ng kaalaman para sabihin kung matalino o hindi? Sa kabilang banda, kapag sinabing IQ test ay may kahirapan din ito para sagutin ng tama. Halimbawa, ano ang pagkakaiba ng klima at panahon? Ang tawag sa ganitong katanungan kung masasagot na buong linaw ay ‘crystallized intelligence.’ Samantala, hindi naman lahat ng IQ test ay tungkol lamang sa kaalaman. Ang iba ay may kinalaman sa talas ng memorya na kung minsan ay ‘photographic ang memory.’ ‘Yung iba ay tinatawag na pagdetermin sa ‘fluid intelligence.’ Sa fluid intelligence ay ginagamit ng mahusay ang pangangatwiran. Halibawa nito, sa isang IQ question ay ipinahihinuha ang hugis ng isang pigura kapag ito ay binaligtad o inikot. Kapag sa isang aktibidad na pinagdudugtung-dugtong ang mga tuldok at biglang, “aha!” may nakita kang kabuuang hugis ng pigura, ito ay ‘fluid intelligenc’ na masasabi.
Read, Share, and Subscribe.
Comentarios