The world is created by words of God.
Pease take note, word and world – what does a word meant to a world?
Ang mabuting pananalita ay nakapagdudulot ng kabutihan sa mundo. Ito ay nagmumula sa mga taong nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng banal na kapangyarihan ng salita. Samaktwid, dahil sa banal na salita nilikha ang tao, nararapat lamang na ang mga mga tao ay magbigay bisa sa kabutihan ng binibitiwa niyang salita. Hindi lamang sa sasabihin kundi sa isusulat na pananalita. Sensitibo ang isipan at kalooban ng tao. Lalo na ang mga batang wala pang ganap na malay sa mabuti o masama. Kaya maging maingat tayong mga taong nakapaligid sa bata, sa pagbibitiw natin ng mga salitang kanilang maririnig o mababasa.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Ano ang power of words?
Puwedeng siyang makasira o makabuo. Makasira sa pamamagitan ng sumpang masama. At makabuo naman sa pamamagitan ng inspirasyo o gabay. Minsan nga sa isang kataga lamang ay maaari nang magbago ang lahat. Ang kahulugan ng salita ang nagbibigay linaw sa pang-unawa na siyang bubuo sa ating paniniwala, mag-uudyok ng ating pagkilos at gawi hanggang makalikha tayo ng sarili nating daigdig na ating nagging paniniwala. Ngunit ang bisa ng salita ay nagmumula sa ating damdamin ng ating kalooban sa sandalling tayo ay nagbabasa, nagsasalita o nakikinig. Mangyari, sa edukasyon ay hindi lamang ang isipan ang pinapanday sa karunungan ng salita o pananalita kundi pati na ang puso para sa kabutihan. Dahil dito, nahayag ang talinghagang “Education without a heart is not education at all.”Kung ang naririnig natin, binabasa at sinusulat ay purong kabutihan ng salita, asahan nating ang kalooban ng makababasa o makaririnig ay mapupuno ng kabutihan at maiwawaksi ang kasamaan na hindi malay sa una. Sakali mang may ma-encounter na hindi mabuting sa salita, mainam na unawain natin sa punto ng kabutihan at tama kaysa sa magalit o sumama ang loob natin. Sabi nga sa isang awitin, “Spread the words of his love” na ang tinutukoy ay ang pagmamahal sa atin ng Panginoon. Kailangan natin siyang ipalaganap para sa kapayapaan. Sa ganitong paraan ay makakamit natin ang kapayapaan sa ating sarili, sa ating pakikitungo sa kapwa, sa ating komunidad, sa ating bansa pati na sa buong daigdig na gaya nang ipinalaganap ni Mother Theresa hinggil sa pagtulong sa mga taong kapus-palad sa buhay.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Ano ba ang unang itinuturo sa bata, hindi ba words like “papa’ and “mama”? Kung maaga mong sinanay ang bata sa mundo ng salita, matutunan niya ang buhay na hindi niya inaakala mula sa nababasa at naririnig na mga salita. Ang salita ang nagpapamulat sa kanyang malay na kaalaman. Kalaunan, sa talinghaga ng karunungan siya ay magiging bihasa sapagkat alinmang salita ang mabasa o marinig ay mabilis na tumutugon ang diwa sa isipan saka sa kalooban at sa kaluluwa. Kadalasan pa nga ay nagbibigay aral, gabay at inspirasyon sa buhay gaya nito: “You will never change your life until you change something you do daily.”Totoo na ang pagbabago ng ating buhay ay nasasa kung anong makabuluhang bagay ang ginagawa natin araw-araw tulad ng pagbabasa ng words of wisdom o mga kuwento at sanaysay na kinapapalooban nito.
Natatandaan mo pa ba kung ano ang salitang nakaganyak sa iyo ng pagsisikap sa buhay?
Ang post sa facebook ay ganito, “Anong linya ni teacher ang tumatak sa iyo?” Fellow teachers, minamarkahan ng ating mga estudyante ang mahahalagang salitang ating nasasabi sa kanila o sa kanilang klase. Hindi lamang bahagi iyon ng kanilang alaala kundi ng tunay na pagkatuto; ang hindi lamang tiyak kung nakabuti ba o nakasama. Samantala, natatandaan ng dati kong estudyante si Josh ang nabasa niyang pahayag ni T. Harv Eker na “If you shoot for the stars, you’ll at least hit the moon.”Sa pangangarap ng tao sa buhay na ibig niyang makamit, ang katumbas nitong pahayag ay “Bumato ka sa bituin, bumagsak man sa buwan, mataas pa rin ang naabot mo.”Hindi ba ang gara para hindi ka maganyak na magsikap palagi at huwag padadala sa kabiguan dahil bahagi ito ng pagkatuto para magtagumpay?
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
𝙎𝙏𝙊𝘾𝙆 𝙈𝘼𝙍𝙆𝙀𝙏 𝙄𝙎 𝘾𝙐𝙍𝙍𝙀𝙉𝙏𝙇𝙔 𝙊𝙉 𝙎𝘼𝙇𝙀!!
Investing now when the Market is low is like buying stocks at the price from 5-10 years ago!
2 TYPES OF INVESTING
DIRECT INVESTMENT - ay yung ikaw yung bumibili mismo ng stocks from companies. Ikaw ung mismo magse-set-up ng account mo and magmo-monitor ng stock market almost everyday.
INDIRECT INVESTMENT - meron tayong tinatawag na Fund Manager. Siya ang nagdedecide and nag-aasikaso ng lahat ng investment natin para mag-grow.
For me, I prefer using the INDIRECT INVESTMENT, ibig sabihin meron ng magma-manage ng money niyo and hindi mo na need mag-monitor everyday.️ Most convenient way of investing
Message me to know more about it! Let's plan your future ahead!
Ngunit ang salita ay hindi lamang naman sa kung ano ang sinabi o isinulat kundi paano rin sinabi. Madarama ito ng nakikinig at nagbabasa. Kung positibo ay maaaring magdulot ng magandang pagbabago. Ang pambihirang kapangyarihan ng salita ay mag-uugat ng kabutihan o kasamaan. Ang binanggit sa Proverb 16:24 ay “Kind words are like honey-sweet to the soul and healthy for the body.” A life can be changed forever with as little as a single phrase, an uplifting word or an act of kindness. Ang paniniwala ng isang 21st century Jewish Rabbi o guro: “Words are singularly the most powerful force available to humanity.” Maaari naman nating pawiin ang alinlangan sa pamamagitan ng mga katagang “I can … I will …” sa gusto nating mangyari sa ating buhay. Parati nating isipin at isaloob ang kapangyarihan ng salita at ang magiging bis anito sa paghihikayat para sa kabutihan. Ang tamang pahayag ng salita ay makapagdudulot ng magandang pagbabago. Ang ating mga salita ay kadalasan lumilikha ng mabuting pangarap para sa kinabukasan. Hindi mahirap magtanim ng mabuting salita sa ating kapwa. Kung ikaw ay isang magulang o guro na pangalawang magulang, alalahanin mo ang sasabihin mong salita sa bata na makikintal sa kanyang alaala habambuhay.
Naniniwala si Jay na hindi siya matalino sa pag-aaral, ngunit ang sabi ng kanyang guro ay nasa pagsisikap ang ikapagtatagumpay niya sa buhay. Akalain ba ninyong naging aircraft maintenance si Jay? Ngayon ay nagtatrabaho na siya sa ibang bansa at ang napangasawa niya ay isang flight stewardess ng eroplano. Kaya naman nang magka-anak siya ay sinasabi niyang mayroon na siyang magiging cabin crew, at siyempre pa pangarap niyang magkaroon ng anak na piloto saka ang magkaroon ng sariling airline business. Sino ang ba ang mag-aakala na posibleng umabot sa ganito ang pangarap ng isa dating estudyante na sa sarili niya ay mahina sa pag-aaral?
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Kaya nga, ingat sa pagbibitiw ng salita,” It may throw curses or wisdom.” Ngunit sa kabilang banda ang pananahimik din naman ng hindi gumagamait ng salita ay minsan naghahatid ng kapayapaan at nagwawaksi sa hindi pagkakaunawaan. Kaya nga kung wala rin lamang masasabing kabutihan ay mainam na tumahimik na muna at itikom ang bibig sa pananalita. Nasa tamang pagkakataon dapat ang pagsasalita. Kung ibig nating nating mapuno ng mabuting diwa, ang ating salita, gawin nating ugali ang pagbabasa ng mabubuting talinghaga. Infact, math-alino kang talaga kung matututunan mo ang mga bagay sa iyong binabasa.
Read, Share, and Subscribe.
Comments