Kada sasapit ang bagong taon, marami sa atin ang nagbabasa ng horoscope para sa magiging kapalaran nila sa papasok na taon. May iba pa ngang nagpapahula, nagpapa-feung shui (sining ng pag-aayos ng gusali at kagamitan para maging balanse at maging kaaya-aya sa kapalaran bagama’t ito ay pseudo-science) at humihingi ng mga ng talisman o anting-anting para sa kapangyarihan ng pagkakamit ng kagustuhan na minsan ay may kinalaman sa mabuting kapalaran lalo na ang tungkol pag-ibig at pag-unlad ng kabuhayan. Ilan kaya ang humihiling para sa katiwasayan ng pagsasama ng kanilang pamilya? Ng bansang Pilipinas? At ng daigdig? Hindi kaya sarili lamang kapalaran ang iniintindi sa ganitong paraan?Uy! Huwag daw masyadong makasarili. Kailangan lahat ay ipanalangin natin na mapabuti.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Noong bago sumapit ang taong 2020, hinuhulaan itong magiging isang masaganang bagong taon. Kung pagbabatayan ang Chinese calendar ay nagsimula noong January 25, 2020 at magtatapos sa Pebrero 11, 2021. Sang-ayon pa sa hula ay makakaroon ng maraming oportunidad at kikita nang husto ang mga tao. Siyempre pa, kikita ang mga tao. Bagama’t binanggit na magkakaroon ng maraming health issues (hindi natukoy ang COVID -19 bilang pandemya – si Bill Gates pa mismo ang nakahula at napagbintangan pang siyang may pakana) at lubhang magiging mabigat na pagsubok.
Sa literal na pag-unawa sa salita, ang sinundang taon ay Year of the Pig kung saan itinuturing na ang baboy ay bulagsak sa kabuhayan, kaya’t inaaasahang ang papasok na tao ay renewal o pagbabago sa nakagawian. Hindi nga natin alam kung paanong mangyayari, ngunit ang naganap nga sa taong 2020 ay renewal para sa marami sa atin - dahil maraming pagbabago ang idinulot ng COVID -19 pandemic mula sa online classes ng iskuwela, work-from-home ng mga nag-o-opisina at pagsasara ng mga pagawan at serbisiyong negosyo.
Tunay na taon ng pagtitiis ang Year of the Rat (2020) tulad sa kung paano mamuhay ang daga sa kaniyang madilim na lungga. Hindi nga ba nagkulong din tayo sa ating bahay ng ilang buwan dahil sa lockdown? Ngunit sa pagiging matalino at matiyaga ng daga ay nakaligtas siya nang maluwalhati sa kahirapan at pagsubok sa buhay. Nawa’y magsilbing aral sa atin ang mga pangyayari sa atin sa taong 2020 para sa mas mahusay na pamumuhay sa papasok na taong 2021 ang Year of the Ox.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Bagama’t itinuturing na pseudo-science (walang basehan sa siyensiya ng karunungan) ang horoscope kabilang na ang year of the (12) animals sa pag-aaral ng astrolohiya o galaw ng mga bituin sa kalangitan na pinaniniwalaang nakaapekto sa kapalaran ng tao, marapat na hindi natin gawin itong tulad sa pananampalataya na walang basehan. Ang buhay natin bilang tao sa paligid na hindi natin kontrolado ay dapat nasa ating pagiging mapaghanda sa anumang pagsubok. Ang paniniwala nga natin at siya naman totoo - ang buhay ay puno ng ups and downs. Sa ganitong pangyayari, dapat lamang na maunawaan natin na ang ating kaligtasan mula rito ay ang katatagan ng loob, paghahanda at matibay na pananampalataya. Huwag kalimutang maging masinop sa bawat biyayang ating natatanggap gaya noong nakaraang taon. Isipin natin kung paano pa natin ito mapapalago sa ating kabuhayan. Upang pagdating ng panahon ng pagsubok tayo ay may madurukot mula sa ating sinuksok.
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
3 days left before 2020 ends!
It's never too late to start your own insurance w/ investment plan. Better now than later.
Stop over thinking and start protecting your financial present and future.
Simula sa taong 2021, kailangan nating magkaroon ng pagbabagong-ugali mula sa paghawak ng kabuhayan, pag-aaral ng bagong kaalaman at mabuting pakikipag-kapwa. Ang sa bi nga, “Yesterday’s attitude will get old if we don’t start a fresh and a new, then we will bring all the negative from yesterday into today.“ Hindi puwedeng sabi lang na tayo ng sabi ng be positive, eh, hindi naman positive ang ating ginagawa sa buhay, kaya tuloy lagi tayong nane-nega at sisisihin pa ang kung sino-sino gayung tayo ang nagdedesisyon at gumagawa ng para sa ating buhay alinsunod sa ating kagustuhang na kadalasan ay hindi mabuti. Ang sabi ni Warren Buffett, “People feel that they are going into an uncertain time and world, but there’s never been a better time.” ‘Kala natin nasa maling panahon tayo at lugar na apektado gayung lahat halos ay apektado. Ang lahat ng nangyari ay pagsubok bg tadhana na kailangan natin matutunan sa buhay.
Samantala, hindi rin ‘komo nakikita at ginagawa nang marami ay sasang-ayunan natin at ikakatwiran pa ang pandemya na gaya ng nangyayari sa marami sa atin. Ang kawikaan nga “We are not given a Good Life or a Bad Life. We are given life, and it’s up to us to make it Good or Bad.” Mangyari, nasa tamang pananaw lamang ito ng pangyayari sa ating buhay kung mumuniin nating mabuti. Huwag masyadong paka-apekto dahil anumang ang nangyayari ngayon ay lilipas din, ngunit mahalagang may natutunan tayo. Ibig mo bang maging mabuti o masama ang iyong buhay dahil lamang sa pangyayaring ito?Biro nga ng marami, “ayaw kong ma-cremate - matusta at iuwing abo.”Pwes, sundin ang protocols ng ligtas na pamumuhay at pag-aralan ang nangyayari sa araw-araw na buhay.
Think …
The Year 2021 is another year the Lord has made,
come what may, let us live with our strong faith in God Almighty.
Read, Share and Subscribe.
Comments