top of page

THINK … NAG-IISIP KA BA?














 

According to Thomas Edison, “Five percent of the people think; Ten percent of the people think they think; And the other eighty-five percent would rather die than think.”Think of it! Minsan, kapag nagtuturo at nagtatanong si teacher sa klase, kani-kaniyang iwas ng tingin si student. ‘Yung iba kunwari nag-iisip. At mayroon din namang mga emote-emote lang ang drama kaysa sa mag-isip. Napa-isip ka ano?

 

Katwiran tuloy ng isang kakilala ko, mas pinag-aaralan niya ang drama ng buhay ng kaniyang mga kasamahan para maunawaan niya ang mga ito sa abang kalagayan. Andoon kasi minsan ang paawa effect na minsan ay hindi nakabubuti sa kanyang gagawing plano sa pamamahala sa mga ito. Ang napapansin niya, sa halip na akuin ang self-responsibility ng mga nagpapa-awa ay isinisisi nila sa iba ang nagyayaring kapalpakan.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

Dear Wives/Husbands,

Life Insurance is NOT an EXPENSE. Help your husband/wife make a better decision.

Be an #InsuredMister and #InsuredMisis now. It's one of the best gifts for your family.

Lalo na this time of pandemic, kelangan ng enough protection. Health is wealth! Invest in your health, more than anything.

I can help you set up your insurance policy. Let's meet online!

ctto

 

Totoong may katawagang sister city. Sis … bakit ‘sister city’? Mayroon ding katawagang brother city. Kuya, bakit nga ba? Saka kung may mother earth at mother tongue, may father earth din ba at father tongue?Teka, mayroon kayong napuna kay mother at sister? Naisip ba ninyo kung bakit ganito ang mga katawagan sa city at kay earth. Puro pambabae _ sila- sila lang? Bunga kaya ito ng women empowerement? O kaya ng gender sensitivity na pinaiiiral? Siguro dahil naunang women’s lib (liberation) movement noon o kalayaan para sa kababaihan kaya ngayon, ang pagpapakapangyarihan ay nasa kanila! Pero paano naman ang mga lalaki kasi mayroon nang para sa mga binabae ant binalake?

 

Ano ang masasabi ninyo men, kasi sa ngayon hindi lamang may battered wife, mayroon ding battered husband.Hindi sa dahilang sila ay binububog lang kaya battered kundi nakararanas din sila ng ibang uring ng pang-aabuso kahit sa pang-iinsulto pasalita. Usually, sila ‘yung mga lalaking ina-under ng kanilang mga misis. Hindi kaya dahil ito sa nagbabagong kalakaran na dati ay may housewife dahil sila ang nasa bahay at ang asawang lalaki ang nagtatrabaho? Karaniwan na kasi ngayon ang babae ang nagtatrabaho ang lalaki ang nasa bahay. Isip kayo uli, ano ngayon ang tawag ninyo sa lalaking nasa bahay lamang at hindi nagtatrabaho, sa halip si misis ang worker?

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741


 

May pagkakataong may mga katanungan at gawain sa bawat paksa sa mga aklat na binabasa upang sanayin ang pag-iisip ng mag-aaral para mapaunlad ang pang-unawa at higit na matuto sa paksa. Ang sabi sa naka-post sa internet na may pamagat na A Student to his Teacher: “Help me learn to think and judge myself, not only to memorize ready-made answers.” Standard dapat ito sa pagtuturo ng mga guro. Hindi sila ang puro paliwanag nang paliwanag sa klase. Siste tuloy, boring ang klase, walang challenge sa mga bata. Dahilan din ito kung bakit hindi naiintindihan ng mga bata ang itinuturo; walang question and answer kasi sa pagtuturo.

 

Ang isa pang dahilan, mahirap talaga sa marami ang matandaan ang kanilang pinag-aralan kung hindi nila nauuunawaan. Ang sama nito, pagkatapos ay pilit ipakakabisa ng guro ang hindi naintindihan at na-appreciate ng batang natutunan. Ganito ang nagiging karaniwang kalakaran sa pag-tuturo at pag-aaral na tradisyunal na tradisyunal. Mangyari, ganito rin ang nakasanayang sistema ng mga kasalukuyang guro sa kanilang mga dating guro. Kumbaga, minana nila ang pamamaraan at kasanayan, at kung sakaling magiging guro din sila, ito rin ang gagawing paraan ng pagtuturo ng mga estudyante nila. Loose-Learning talaga kapag lost na hindi naintindihan. Hindi alam ng marami sa atin na an gunang tradisyunal na pagtuturo sa ilalim ng puno ay puro tanong at sagot lamang para may matutunan.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

L-L ay ‘Loose-Learning.’ Ito ‘yung kapag alam mo ngayong oras na ito, maya-maya ay nakalimutan mo na. Itinuro ngayon at alam mo na sana, ngunit maya-maya ay naglahong parang bula. Ang bilis mawala sa utak ng kaalaman. Sabi nila parang bula ng sabon inanod ng tubig nang magbanlaw. Ngunit, isang pasubali, kung may pattern sa learning, madaling matutuhan ang tamang pangangatwiran katulad ng binigay na halimbawa ko sa unahan tungkol sa city and earth. Kung magkakaganito, hindi agad mawawaglit sa isipan ang kaalaman. Isang halimbawa pa nito ay ang nabasa kong noong bata pa ako na tumatak sa aking isipan, “Walang makasisira sa bakal kundi ang kalawang.” Nakakapukaw para mag-isip. Kung tutuusin, agham siya sa kaalaman, ngunit sa buhay, isang dakilang karunungan dapat matutunan natin sa buhay.

 

Totoong may mahahalagang kaalaman na dapat ipakabisa sa mga bata bilang pundasyon ng pagkatuto, ngunit nararapat na ang pagpapakabisa ay mayroong pag-unawa. Baka kasi kamuka’t-mukat nito ay maging kabisote ang mga estudyante at hindi nila alam kung paano gagamitin ang kanilang kinabisa dahil hindi nila nauunawaan. Kaya kalimitan sa mga iksamen ay mayroong gumagamit ng kodigo-penal para makapandaya, at dahil hindi nga nila nauunawaan ang pinag-aralan, pati maling sagot ay nakokopya. Siste nito, lalong magagalit si titser. Again, isipin niyo ang bagay na ito – kung may problem aba tayo sa buhay hahanapin natin lahat ng kasagutan sa libro?

 

 

Lubhang napakahalaga ang follow-up questions kahit sa sarili lamang para matuklasan natin sa ating sarili ang tamang kasagutan sa pamamagitan ng pag-iisip ng kasagutan at pagkukuru-kuro. Pagkaminsan, dito rin natin natsatsambahan ang dapat malaman at kailangan na lamang ibalido o patotohanan sa mga pagtatalo ng mga katwiran sa isipan na mas natutunan natin sa karanasan. Dito ngayon papasok ang kahalagahan ng pagtuklas ng kaalaman sa pamamagitan ng mabibisang paraan mapagtitibay na rin ng karanasan sa pag-aaral at magiging gabay pagkaraan mapatunayan. ‘Ika nga ng mga paham, “Learning is discovering.” Ang epektibong pagkatuto ay pagtuklas ng kaalaman at karunungan.

 

Why think? Dahil may mga bagay na hindi naman talaga ganoon sa iniisip natin. May ipinakitang larawan ang isang guro sa kaniyang klase para malaman niya kung paano mag-isip ang mga bata at kung magaling ba. Lahat halos ng bata ay nagsabing, tumatawid ang usa sa kalsada ang nakita nila sa larawan. Ngunit, may isang namumukod ang kasagutan. Ang kalsada ay patawid sa gubat dahil wala namang usa na basta-basta makikita sa kalsada kundi nasa gubat. Kung titingnan mabuti ang katwiran, hindi karaniwan mag-isip ang sumagot. Paanong naging magaling ang batang ‘yun sa pangangatwiran dahil hindi naman siya basta naging math-alino na lamang? Pwes, I tell you - palabasa ang bata kaya nahasa siya sa pag-iisip ng katwiran. Kaya sabi ng titser, sana ganoon lahat ng bata sap ag-aaral. Pero sana lahat ng titser palabasa rin hindi lamang ng itinuturo nila sa kalase, bagkus, pati na rin ng tungkol sa buhay.

 

Paano matulog ang kuba?

Siyempre ka ang sagot nakapikit!


Minsan, may mga bagay at katanungan na hindi na kailangang pag-isipan. Alam na natin agad ang kasagutan lalo na kung sadya namang matalas ang ating isipan dahil nahasa sa palagiang pagbabasa. Ang problema lang – may mga pagkakataong sobra-sobra naman nating pinag-iisipan ang isang bagay lalo na iyong akala natin ay nakakabahala, kaya tuloy lalong nakababahala. Gaya nitong kasalukuyang nangyayari sa ating pandemic na masyadong ikinaligalig ng sobrang pag-iisip kaya lumikha ng labis na pag-aalala at takot. Dahil sa ganitong nangyari, marami pa ang nagkasakit at namatay bunga ng depression. Hindi na lang kasi in-enjoy ang sitwasyon at inaliw-aliw ang sarili sa kalagayan. Pero alalahanin din natin, “Judge a man by his questions rather than by his answers.” Hindi lamang kasagutan ang ating titingnan kundi pati na ang katanungan.

 

Kadalasan din sa sobra nating pag-iisip lalo na ng tungkol sa plano natin sa gagawin natin sa buhay, kamuka’t-mukat, walang natapos dahil lahat na lamang inisip hanggang dalhin ang isipan sa alinlangan, pag-iisipan na naman muli. At dahil lubhang nagiging komplikado ang mga pumapasok sa isipan, napapagod na mabuti ang utak sa pag-iisip hanggang magkaroon uli ng alinlangan at sumuko nang lubusan. In the end, wala nang natapos na plano na gagawin sa buhay. Tandaan, gaano man natin katalino pag-isipan ang alinmang bagay, may pagkakataon pa rin malalayo sa ating iniisp ang magiging kaganapan gaya ng paglalarawan sa usa na tumatawid sa kalsada na nasabi ko. Take it easy lang.

 

"Bakit ka gagastos sa kuryente ng mahal kung may solar Christmas lights naman?"

Php 400.00 only, 100 bulbs, available in gold, blue, green colors,

send your order to Kris – 639499704741.


 

Sa reflective thinking o pag-iisip na may kasamang pagmumuni-muni, ang mga taong nag-iisip ng ganito ay laging may tanong mula sa kanilang sanlibo’t isang pagtataka. Naisip mo ba ang dahilan kung paano kumalat ang covid -19? Saktong malalaman mo ang kakulangan sa self-responsibility. Ipinaalala sa atin ng pamahalaan paano mag-ingat at sino ang dapat pang mag-ingat na mabuti. Ngunit, nasusunod ba ito? Any question, please …? But, think first before you speak.


Read, Share and Subscribe.


Commenti


bottom of page