Kapag sinanay ang utak sa pag-iisip bilang ‘workshop of mind,’ ang ‘idle muscle’ ay magiging ‘idea machine’ na gumagana.
Sa reflective thinking o pag-iisip na may kasamang pagmumuni-muni, ang tao ay laging may tanong mula sa kanyang sanlibo’t isang pagtataka. Halimbawa nito, ang ¾ ng daigdig ay tubig. Saan nga ba nanggaling ang tubig ni planet earth? Marami kasing haka-haka, ngunit ang lahat ng ito ay wala pang kasiguruhan kaya teoriya pa lamang kung saan nagmula ang tubig. Hindi kaya kapag nalaman natin kung bakit may tubig ang earth ay malalaman na rin natin kung paano nagkaroon ng tubig sa loob ng katawan ng tao? Natanong ko kayo para malaman ko kung nag-iisip nga ba kayo sa binabasa ninyo para higit na maunawaan ito. At tama ba naman ang iniisip ninyo?Ngunit, tama man o mali ang inyong iniisip ay magiging daan ito upang tumalas ang inyong isipan at maaaring maging daan ito ng inyong pagtuklas ng iba pang kaalaman. Pagsasanay ito o training sa utak na maging mapanuri. Sakaling matuklasan ninyo ang kaalaman ay naroroon na ang sinasabing “aha!” na siyang bahagi na ng inyong karunungan dahil you discover something unknown at saka ninyo naunawaan ang dahilan.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
May mga katanungan at gawain sa bawat paksa sa mga aklat na binabasa natin upang sanayin tayong mag-isip para mapaunlad pa ang ating pang-unawa at higit na matuto sa paksa. Ang sabi ng lathala sa internet na may pamagat na A Student to his Teacher: “Help me learn to think and judge myself, not only to memorize ready-made answers.” Tama! Sa obserbasyon kasi ng marami, pagkaminsan, ito ang nagiging kalakaran sa pag-aaral. Hindi puwedeng puro memoryahan lamang baka ang kalabasan ng ating estudyante ay kabisoteng hindi naiintindihan ang kinakabisa. Lagot na ang inaakalang katalinuhan. Gayunpaman, isang mahalagang pagsasanay ang pagkakabisa. Training of mind din siya, gawin lamang may pang-unawa upang maging mabisa. Nililinang din ng pagmememorya ang pagkokonsentra o pokus ng isipan upang pumasok sa kamalayan ng isipan at kalooban ang binabasa.
Mayroon akong kilalang estudyante. Noong Grade III siya ay hindi nagtuturo ang teacher niya. Tuwing hapon, magpapakopya lamang si titser ng nakasulat sa blackboard na umaabot hanggang anim na blackboard. Ipakakabisa sa kanila ito sa gabi, at sa kalase nila sa umaga ay bibigkasin nila ito nang walang basa-basa. May palo sa ibabaw ng desk kapag hindi nagkabisa. Hindi naman sila makareklamo dahil noon ay hindi pa uso ang ‘child-protection policy’. Kaya tiis lang kaysa mapalo at mapahiya sa klase. No ‘child-friendly school’ talaga!
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Hirap na hirap siya sa pagkakabisa kasi hindi niya nauunawaan ang kanyang kinakabisa. Samantala, noong hayskul na siya at nagkaroon siya ng mahigpit na titser na hindi pumapayag na binabasa ang report o pag-uulat sa klase ay hindi na siya nahirapan dahil sanay na siyang magkabisa. Noong nasa kolehiyo naman na siya at naunawaan na niyang madaling magkabisa kapag niintindihan ang kinakabisa batay sa kanyang karanasan ay mas naging mahusay siya. Mas nakaisip siya ng pamamaraan kung paanong madaling talakayin ang ulat niya sa pamamagitan ng paggamit ng ‘concept map’ o outline saka ng visual aides na natutunan niya sa pagbabasa mula sa naging ugali niyang pagsusulat. Hanga ang mga kaklase niya pati na professor niya. Kasi, para siyang titser kung magpaliwanag ng report sa klase. Feeling nga ng iba, matalino siya, ngunit sa isip niya ay natutunan lamang niya ang tamang teknik ng pag-aaral. Madalas highest din siya sa mga exams sanhi ng matiyaga niyang ugali sa pag-aaral.
Ang una at pinakamahalaga raw sa lahat sa pagkatuto ay ang pag-unawa. Mangyayari ang bagay na ito kapag may ‘folow-up questions’ kahit sa sarili lamang para matuklasan ang tamang kasagutan sa pamamagitan ng pagkukuru-kuro ng mga kasagutan na lilitaw sa ating isipan. Sa pamamagitan ng pagkone-konekta ng lahat ng nalalaman ay nagkakaroon ng iba’t ibang antas ng pangangatwirang nabubuo sa utak hanggang sa tuluyang maisip kung paano talaga mapatotohan ang tamang kaalaman. Dito papasok ang kahalagahan ng pagtuklas ng kaalaman sa pamamagitan ng mabibisang paraan na mapagtitibay na rin ng karanasan sa pag-aaral at magiging gabay na karunungan pagkaraang mapatunayan.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Hindi rin madaling sabihin mag-aral hanggang hindi nagkakaroon ng tinatawag na motibasyon o hikayat. Kalakip nito ay dapat maging kyuryoso. Winika ni Einstein “Never lose a holy curiosity.”Once na na-curious ang tao, simula na ito ng kanyang hikayat sa pagtuklas ng kaaalaman dahil hindi maaaring hindi siya maudyok na alamin ang natatagong lihim ng karunungan. Buti nga ngayon ay may internet na. Alinmang katanungang ibig malaman ang kasagutan ay puwede nang i-google at may instant sagot agad. Hindi gaya noon, kailangan pang alamin ang aklat na gagamitin saka hahanapin pa sa library. Kapag inalat-alat wala pa ‘yung librong hinahanap para malaman lamang ang kasagutan sa katanungan.
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Kahit sa pagbabasa, kapag mahusay ang pagkakasulat ng isang kuwento ay nagaganyak ang sinuman na alamin ang mangyayari hanggang sa dulo ng kuwento. Pati nga ang pagpapakahulugan sa mga salita ay makapupukaw ng isipan gaya ng pamagat ng dulang pang-entablado na napanood ko sa telebisyon na ang kastilang pamagat ay “Flore Para Los Muertos.” Nang mabasa ko ang kahulugan sa tagalog ay Bulaklak Para Sa Mga Patay. Ngunit kung aanalisahin ang kuwento ay wala naman palang nakakatakot sa palabas, bagkus ay tungkol lamang ito sa isang babae na dahil sa mga kabiguan sa buhay ay napuno ng ilusyon sa buhay na kamuka’t-mukat ay nauwi na pala sa kabaliwan at kailangan na siyang dalhin sa mental hospital. Ngayon get mo na ang ibig sabihin ng Bulaklak Para Sa Mga Patay? Kalaunan ay nalaman kong ang orihinal na pamagat ng kuwentong ito ay “A Streetcar Named Desire na sinulat ni Tennessee Williams. Ang mental issue pala sa kuwentong ito ay ‘bipolar.’ Hindi ba nakakatuwang may natututunan sa pagbabasa? Nakakatalino ang pagbabasa.
Read, Share, and Subscribe.
Comments