top of page

TRUTH DECAY


Ang akala ng iba ay ngipin lamang ang nabubulok, hindi nila alam pati ang katotohanan ay maaari ring mabulok bunga ng paulit-ulit na pagsisinungaling. Remember, ang sinabi sa bibliya“Then you will know the truth, and the truth shall set you free?”Ang buong akala ko nga noong una ay si dating Senador Benigno Aquino ang unang nagsabi. Later nalaman kong sinabi rin pala ito ni Mahatma Gandhi bilang aral. Kalaunan pa, nalaman ko na mismo siJesus Christ ang kauna-unahang nagbanggit nito mula sa Gospel of John 8:32. Sinabi niya ito mismo sa mga Hudyo na naniniwala sa kanya. Ang katumbas nito sa Latin ang katagang “Veritas vos liberatit.”

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741


 
TRUTH DECAY...

Ang “The truth will set you free” ay karaniwang binabanggit din sa academic circles na ibig ipalaganap ang ‘academic freedom’ at ang ‘power of learning’ sa kani-kanilang pamantasanMarami sa mga paaralan nito ang inukit mismo ang katagang itosa lugar na malapit sa geyt papasok ng paaralan para magsilbing kamalayan sa karunungan. Ngunit gaya nang nasabi ko, huwag nating ipagkamali na ang katagang ito ay nagmula sa akademya o institusyon ng paaralan. Ang patunay - mismo si Jesus ang unang gumamit ng katagang ito. Kaya nang sabihin niya ito ay wala talagang kinalaman sa classsroom learning o kahit na sa pagtuturo.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

ADVANTAGE OF INVESTING EARLY

Let me help you secure your future and your family for as low as P 1,500 / month.

Get insured online, no meet ups needed. Message me for more info

 
TRUTH DECAY...

Sa John 8:32 ay tinutukoy nito ang mataas na antas ng karunungan na maaaring matutunan sa loob ng silid-aralan. Hindi rin pinakahulugan ni Jesus ang katagang ito bilang “political freedom” na gaya ng sinasabi ni Mahatma Gandhi at Ex-Senator Benigno sa pakikipaglaban nila para sa kalayaan sa dahilang, ang kalayaan mismong tinutukoy ni Jesus ay “spiritual freedom” o kalayaan sa minana nating kasalanan na nagdudulot ng pagtalikdan sa batas ng kabutihan at kaayusan sa buhay.


Ang sabi ng dakilang manunulat na si Mark Twain “If you tell the truth, you don’t have to remember anything.” Dahil alam mo ang saktong totoo, at kung alam mo ang tunay na totoo ay hindi mo na iisipin ang sasabihin mo kahit sandali. Hindi ka na rin kakalambrihin kahit walang tigil kang usigin sa mga maling paratang. Mangyari, sa pagsisinungaling ay hindi na nalalaman ang totoo, kaya kadalasan namamali ang sinumang nagsisinungaling. Kapag nagsisinungaling, hindi maiiwasang mabuhol ang dila. Para hindi mangyari ito, kailangang linisin muna ang isipan at kalooban sa tama kung ayaw natin magkaroon ng “truth decay” o nabubulok na katotohanan.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741

 
TRUTH DECAY...

Paano nabubulok ang katotohanan? Sa RAND Initiative to Restore the Role of Facts and Analysis in Public Life ay binibigyang kahulugan ang “Truth Decay” sa hindi ganap na pagkaunawa sa katotohanan at pag-aanalisa (facts and analysis) lalo’t ang may kinalaman sa mga kaganapan sa buhay pati na sa kasaysayan. Ang pagkabulok ng katotohanan ay inilalarawan sa apat na taglay nitong katangian. Una, sa patuloy na paglaganap ng magkakaibang katotohanan at nagiging lalong taliwas sa bawat isa. Pangalawa, pinalalabo ang pagkakaiba sa pagitan ng opinyon at katotohanan. Pangatlo, ang lumalakas na tinig ng opinyon kaysa sa katotohanan. Panghuli, ang tuluyang pagkawala ng tiwala sa balidong pinagmumulan ng tunay na katotohanan.

 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741

 
TRUTH DECAY...

Karaniwang ang apat na katangiang ito ay hindi ganap na napagtutuunan ng malaliman pag-aaral sa kasaysayan. Simpleng identification o pagtukoy lamang sa Fact o Opinion ang karaniwang lumalabas sa mga pagsusulit. Madalas ay mababaw pa sa dapat na analisahin ang nangyayari sa ginagawang pag-aaral. Dahil dito, maski sa totoong buhay ay hindi alam ng tao ang pagsunod sa mabuti at tama bunga ng kawalan ng pag-unawa sa opinyon at katotohanan. Nabanggit minsan ni Father Robert Reyes sa kanyang colum na Patakbo-Takbo na totoong nakabubulok ang kasinungalingan. Makamandag na lason ang anumang kasinungalingan, paulit-ulit na nakikita natin sa lipunan sa bawat panahon ng kasaysayan at maski na sa ordinaryong pamumuhay. Ngayon, tanungin ninyo sa inyong sarili kung totoo o opinyon lamang ang dating binanggit ng propaganda officer ni Hitler na si Joseph Goebbels na “Basta’t ulit-ulitin lang ang kasinungalingan, ito ay magiging toto na.” Nagiging kapani-paniwala kasi! Ngunit sa ispirituwal na aral, ito nga ang nakabubulok na kasinungalingan – ang “truth decay.”

Comments


bottom of page