top of page

VIRTUE OF INTELLIGENCE

Updated: May 1, 2021















 

Ano ang tunay na birtud ng talino ng tao?

Hindi ba ang maunawaan ang mga bagay-bagay sa buhay para sa kaayusan?


Tsek natin sa ating buhay kung nasa tama.

Ang Ama ng Ekonomiks na si Adam Smith ay nagsabi sa kanyang sinulat na ang napakahusay na tao ay mayroong tatlong pangunahing birtud o kabutihan na marapat taglayin. Ang mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod ay:prudence, justice, at benevolence. Mahalagang maunawaan ang bawat isa para matiyak na maisagawa nang maayos ang bawat isa sa ating pamumuhay ng sa gitna ng mga pagsubok na ating kinakaharap sa gitna ng mga isyung napapalob bunga ng pandemya. Ibig sabihin ay nasa tamang katwiran ang gagawin nating kabutihan taglay ang malinis na iniisip at kalooban kasama na ang pagiging mapagkumbaba.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Ang unang kabutihan na ipinahahayag sa ‘prudence’ ay tumutukoy sa pagiging mahinahon, maingat sa bawat salitang bibitiwan at maging maabilidad sa bawat desisyong gagawin upang walang sa bandang huli ay walang pagsisisihan. Sa pamamagitan ng pagiging mahinahon ay tititimbangin muna ang ibubungang mabuti at masama sakaling isasagawa ang anumang bagay. Hindi tayo kaagad-agad magkokomento nang hindi natin pinag-aaralan ang maaaring iduldulot na bunga. Lalo na an gpagpo-post sa social media, marapat na isaloob natin ang tinatawag na “social responsibility.”

 

In prudence or hinahon, ay sinasabi ng pinakamayamang imbentor sa kasaysayan na si Benjamin Franklin na “Remember not only to say the right thing in the right place, but far more difficult still, to leave unsaid the wrong thing at the tempting moment.” Hindi lamang tamang salita ang sasabihin natin sa ating kapwa sa tamang lugar at pagkakataon, bagkus, sa mahirap na sandali ay huwag na lamang sabihin kung kinakati ang bibig na imulas sa mga dapat na hindi sabihin. Hindi mo rin naman alam kung hanggang saan iyon makararating. Ang pinakamagandang gagawing hinahon ay magbigay ng kasiyahan sa gitna ng kadahupan sa karangyaan at pagkatuwa kahit sa hindi pagkilala ng kapwa. Huwag ‘attention-seeker.’ Ang sabi nga, “ang social media ay hindi bentahan ng emosyon dahil hindi natin tiyak ang tunay na kalooban ng tao.” Kaysa sa ma-stress ka at magkasakit sa ‘bashing,’ better na tumahimik na lamang at isantabi ang nasasaloob. Hindi mo rin malay kung ibubuyo ka lamang sa gulo ng mga nag-likes and love sa komentaryo mo.

 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741

 

Ang pangalawang birtud o kabutihan ay ang pagkakaloob lagi nang hustisya o pagtrato ng pantay-pantay sa lahat, anumang uri ang kalagayan nila sa buhay. Maging panata sana natin sa ating sarili at sa ating buhay na maging makatarungan sa lahat ng bagay at isasagawa, sapagkat nakasalalay rito ang katahimikan at kaayusan ng ating sarili at lipunan. Sa pamamagitan din nito ay mapapangalagaan natin at mabibigyan ng proteksiyon ang ating kapwa at kanilang ari-arian. Matututunan ang kabutihang ito sa loob ng tahanan kung saan makikita ng bawat kasapi ng pamilya ang maayos na pagkakapantay-pantay ng bawat isa ng may paggalang.

 

Sakaling bibigyan ka ng kapangyarihang sumulat ng isang batas na may kinalaman sa kabuhayan, panlipunan at pampulitikang kalagayan ng iyong buhay. Gagawin mo ito nang hindi mo pa nalalaman sa kung anong uri ng pamilya o sitwasyon ng buhay ka ilalagay ng kapalaran sa oras mismo ng iyong pagsilang at paglaki, anong sistema ng batas ang iyong gagawin na magiging bahagi ng magiging kalagayan mo sa buhay? Mainam, hindi ba ang batas hinggil sa pagkakapantay-pantay sa lipunan?

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741


 

Ang ikatlong birtud ng kabutihang-loob ay tumutukoy sa benevolence o pagiging mapagbigay. Kung magkakaloob tayo ng tulong sa ating pamilya at sa ibang tao ay madarama natin sa ating sarili ang ganap na kasiyahan. Hindi natin gagawin ito dahil sa sinasabing ang magkakaloob ng tulong at hindi umaaasa ng anumang kapalit ay higit pa rito ang babalik sa sarili sa hindi natin mauunawaang paraan. Ang pagtulong ay dapat maging bukal sa kalooban: walang hinihintay na kapalit o ipamamaraling utang na loob. Nakamarka ang ideyang ito sa binitiwang salita ni dating Pangulong Erap Estrada na, “Kung bawat Pilipino, ay tutulong sa kapwa niya Pilipino, walang maghihirap na Pilipino.” Maging aral sa atin ang bawat talinghaga ng kabutihan, huwag ang husgahan ang kung sinuman ang nagsabi nito, dahil kahit papaano siya ay may inaral sa ating buhay.

 

Ang pagpapaunlad ng ugaling makapagkaloob ng pangangailangan sa sarili ang unang dapat matutunan upang makapagbigay suporta sa sariling pamilya, at saka sa ibang mga tao. Mangyayari ito sa pamamagitan ng mahusay na pag-iipon at pamumuhunan, ngunit kinakailangan din itong pag-aralang mabuti. Isipin sa una pa lamang kung ano ang mangyayari upang maging handa sakali man magkakaroon ng problemang pinansiyal. Katulad sa nangyayaring kalagayan ngayon sa kabuhayan bunga ng COVID-19, hindi pa man sana nangyayari ay napaghandaan na natin sa pamamagitan ng pag-iimpok at pamumuhunan para hindi umaasa na lamang sa tulong ng iba o kaya ng pamahalaan. Maisasakatuparan ang bagay naito sa pamamagitan ng simpleng pamumuhay. Kaya sinasabi noon pa man, “Kung may isinuksok, may madudukot sa oras ng kagigipitan.”

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407


ADVANTAGE OF INVESTING EARLY

Let me help you secure your future and your family for as low as P 1,500 / month.

Get insured online, no meet ups needed. Message me for more info

 

Sinasabing ang kadakilaan ng isang tao ay nagsisimula sa kung paano siya mag-respond sa nangyayari sa buhay. Wala itong iniwan sa inaral sa atin ni William Morris na “ The true happiness lies in taking a genuine interest in all the details of daily life.” Sapagkat ang buhay pagkaminsan ay sadyang hindi mawari sa nangyayaring hindi inaaasahan. Pinalalala pa ito ng kawalan ng katarungan ng ibang tao sa pamamagitan ng panlalamang dahil sa lubos silang nagiging gahaman para sa sarili nilang buhay at kapakanan. Sila ang mga taong walang kasiyahan na para bang ang kanilang ipupundar na kayamanan ay madadala nila sa kabilang buhay. Karapat-dapat natin idambana sa kabutihan ang mga taong nagpundar ng kayanmanan upang patuloy na pakinabangan ng kanilang kapwa sakaling sila ay mawala na sa mundo ng nabubuhay.


Read, Share, and Subscribe.

Comments


bottom of page