Well-being sa tagalog ay pagpapabuti sa sarili.
Physical well-being, feeling very healthy and full of energy is viewed critical to overall well-being. Paano mo pinabubuti ang iyong sarili sa mga ganitong aspeto sa buhay tungo sa maayos na pakikisalamuha sa kapwa?
Ang kabutihan sa sarili ay isang karanasang may kinalaman sa mabuting kalusugan, pagiging masigla at masaya, at masagana. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan sa isipan, mataas na antas ng kasiyahan sa buhay, ang pakiramdam na may silbi at layunin sa buhay, at kakayahang labanan ang stress na pagkaminsan ay hindi maiiwasan. Higit sa lahat ang pagmamahal sa sarili at sa tamang pagmamalasakit sa kapwa ng hindi naaabuso.
Sa pangkalahatan, ang kabutihan sa sarili ay katumbas na rin pagiging maayos ang pakiramdam. At sa ganitong kaayusan ay magiging matatag ang katauhan kung saan batid sa sarili kung ano ang gagawin at paano gagawin ang isang bagay. Bagama’t titingnang simple lamang ang pagpapabuti sa sarili, hindi ito madaling bagay dahil kailangan din matutunan ang maraming paraan. Kung alin ang sa sarili ang pinakamahalaga, paano pahahalagahan at sakto na mapapalakas ito, ay nangangailangan din ng karapat-dapat na pagsasanay.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
WELL-BEING...
Nagsisimula ang pagpapabuti sa sarili sa pamamagitan ng tamang pag-iisip, pagganap at karanasan kung saan ang tao mismo sa kanyang sarili ang may kontrol. Simple, kung iisiping mahirap ang buhay, magiging mahirap talaga. Kung iisipin sa positibong paraan, hindi pala ganoon kahirap, mabubuksan pa ang isip na gumawa ng paraan para mabago ang sitwasyon. Hindi nga ba ang kawalan ng pag-asa ay bunga ng iniisip na negatibo?
Ang sabi sa post na nabasa ko “When we think positive, we tend to have greater emotional being. And when we pursue meaningful relationships, we tend to have better social well being.” Kaya naman sinasabi sa Watch Your Thought ni Ralph Waldo Emerson na kung ano ang iniisip natin, iyon ang magiging kabuuan ng pagkatao natin. Dahil alinman ang ating iisipin ay siya nating gagawin, at kung paulit-ulit nating gagawin ay magiging habit siya at iyon ang karakter natin na siyang magtatakda ng magiging kapalaran natin. Kung masama, ay dahil sa hindi mabuting iniisip, kung mabuti ay dahil good thought tayo. At saka, sa isang nabasa ko, kung ano raw ang pagkatao ay siya ring nakatakdang pagkatao ng mapapangasawa. Later, madadala na rin ang isa sa mag-asawa na mahina ang pagkatao. Maski sa magkakaibigan ay nagkakahawaan din ng ugali. Go with good barkada!
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
WELL-BEING...
Ang isang tipo ng pagpapabuti sa sarili ay ang emotional well-being kung saan ang kakanyahan sa masupil ang pagkabalisa, pagpapayapa sa sarili, pagmamahal sa sarili ay nakapagpapalakas ng maginhawang pakiramdam. Para mangyari ito, “Smile, it will make you feel better. Pray, it will keep you strong. Love, it will make you enjoy life.” Ang pangalawang pagpapabuti sa sarili ay physical well-being o pagkakaroon ng malusog ng pangangatawan sa pamamagitan ng healthy living at palaging ehersisyo. Nabasa ko minsan na pinakamainam na gawin ang ehersisyo sa gabi dahil sa tinatawag na body clock. Tatalakayin ko sa inyo ang bagay na ito sa darating na pagkakataon.
Pangatlo sa pagpapabuti sa sarili ang social well-being. Ito ay may kinalaman sa pakikipag-ugnayan upang sa sandali ng kalungkutan ay mayroong kaagapay. Pang-apat ang workplace well-being ay ang gawain na nakasisiya sa sarili dahil iyon ang pinahahalagahan natin at layunin natin sa buhay na ibig nating makamit upang maggkaroon ng kahulugan, kaligayahan at pag-unlad. Panghuli sa lahat ang societal well-being kung saan tayo ay aktibo at produktibong nakikilahok sa ating komunidad kaakibat ng kulturang pamumuhay na nakagisnan at kapaligiran.
Isipin natin ang bagay na ito sa ating sarili at masdan sa nangyayari sa ating paligid na ang malulungkot na tao ay nabubuhay sa nakaraang kabiguan sa buhay, Ano nangyayari sa buhay nila? Puro daing at kahirapan ang pinag-uusapan nila. Ang iba nga pati kasawian nila sa buhay isinisisi sa kanilang kapwa pati na sa pamahalaan. Kapag wala na raw mapag-usapan, tsismis na ang napagbabalingan bunga na rin ng inggit sa kapwa. Samantala, ang masasayang tao ay patuloy na nangangarap at nagsisikap para sa kanilang mabuting kinabukasan. Madarama mo ang positibo nilang pananaw sa buhay. Lagi silang aktbong nagsisikap na makamit kanilang magandang layunin sa buhay.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
WELL-BEING...
Upang mabuo nang pagpapabuti sa sarili nararapat na ang bawat nabanggit na uri ng pagpapabuti ay matugunan. Halimbawa nito, isa kang drayber ng UV Epress, alam mong ayos ang makina ng iyong sasakyan, ngunit ang brakes ay hindi gumagana nang maayos, magkaganito, wala ring silbi na maayos ang makina ng iyong sasakyan. Maaari kang maaksidente o maka-aksidente. Ganyan din sa pagpapabuti sa sarili. Kung sa lahat ng aspeto ay maayos ka – emotionally, physically, socially and culturally. Kundi naman nasa ayos ang pagkain mo ng may wasto at sapat na nutrisyon, maaapektuhan ang lahat mula sa pangangatawan, pakiramdam at pakikitungo sa kapwa, sapagkat ang bawat isa sa kanila ay mahalaga sa pagpapabuti sa sarili. Kung hindi ayos ang pakikitungo mo sa iyong kapwa, posibleng marami kang kaaway, malabong umusad ang buhay mo nang maayos. Sabi ni Dale Carnegie, “Win friends not enemies,” ngunit depende pa rin sa kaibigan kung tapat at mabuti. So watch your friendships din, hindi basta kaibigan tanggap na. May tao raw na suwerte sa buhay natin. Iyon ang dapat malaman natin para iwas problema at sakit ng ulo.
Napakahalagang aral ang natutunan ko kay Pope Francis na may kaugnayan sa pagpapabuti sa sarili ang “Rivers do not drink their own water; trees do not eat their own fruit; the sun does not shine on itself and flowers do not spread their fragrance for themselves. Living for others is a rule of nature. We are all born to help each other. No matter how difficult it is … Life is good when you ar happy ; but much better when others are happy because of you.” Higit na nakapagppaligaya sa sarili ang pagtulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit. Bahagi naman ito ng spiritual well-being. Ngunit bago pa man gawin ang pakikipagkaibigan lalo na sa pag-ibig ay isugro muna ang sarili na nasa ayos at matatag na kalagayan upang hindi tayo maging problema sa pagdating ng panahon.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
WELL-BEING...
Mahalagang maging totoo tayo at praktikal sa buhay. A ng payo, “Create a realistic plan for your well being, stick to it, and take small actions every day that add up to big improvements up over time. Mangyayari lamang ito sa araw-araw na pagbabasa ng karanasan sa buhay at pagsusuri sa nangyayari sa ating sarili at nagiging buhay natin. Laging gawing tanglaw ng isipan ang mga talinghaga sa buhay. Muni-muniin ito upang maliwanagan sa magiging layunin sa buhay. Upang sa ganoon ay makamit ang tinatawag na meaningful life. Ang nababasa ninyo sa blog ko ay tanging ambag ko ng mga karanasan sa buhay para sa karunungan.
Comments