top of page

WHAT’S THE MATTER?














 

Hindi iilang beses naming naririnig sa aming kaklase ang “the truth of the matter,” kada sumasagot siya tuwing may recitation kami sa klase noon. O, hindi kaya para maiba at para lalo siyang maging bida at kapani-paniwala ang kaniyang katwiran ay sinususugan niya ng “… as a matter of fact for your informations” (dapat walang “s”).

 

Ang problem, nalilito kami noon dahil lesson namin sa oras na iyon sa topic ng Chemistry ay “about matter.” At ang kahulugan ng matter ay “anything that occupies space.’ Hindi kami magkaroon ng space sa kalituhan ng ‘matter’ ng chemistry at ng “the truth of the matter” ng ingles niya kaya lalong hindi naming maintindihan. Lalo na sa walang kamatayang “as a matter of fact” para paburan ang mga diskurso niya. Makulit siyang malaman ng lahat na ganoon siya katalino. Kailangan bang pa-impress ang talion o i-express na lang bilang “humility of intelligence’?

 

Bulungan namin tuloy sa klase, “Which matter ba talaga are we discussing? Ang susog na tanong pa ng katabi ko, “What’s the matter bang talaga?” Dahil maingay na ang klase at hindi magkaintindihan, natanong ng teacher naming, “What’s the matter, class? Silencio tuloy lahat at baka mauwi pa sa sermunan sa klase. Mahinang nasabi ko sa aking sarili, “Forget those matters.” Huh! Narinig pala ng aking katabing kaklaseng inglisero, kaya ang tanong naman niya, “What matter did you say?” Ang sagot ko na lamang para sa katahimikan ng lahat, “It doesn’t matter you.” Shock wave siya. May gray matter ba sa sinabi ko? Ang ‘gray matter’ o kulay abong bagay sa utak na siyang tumutulong upang maging maayos ang ating katawan.

 

Kinagabihan, hindi ko inaasahang mapakinggan ang kanta ni Kenny Rankin na What Matters Most.Inaliw ko ang naguluhan kong isipan sa ganda ng mensahe at himig. Although message of true love siya, dito ko lamang naisip sa pagmumuni-muni ng kahulugan - sadyang may isang bagay na pinakamahalaga sa ating buhay, ang hindi natin dapat kaligtaan. Life matters to all na nararapat bigyang-halaga para sa mapayapa at maayos na pamumuhay dahil ‘novel’ ngang talaga ang nangyari sa naka-koronang virus na biglang kinatatakutan nating lahat. Ang ibig sabihin ay parang kuwentong nobela na mahirap paniwalaan ang kaganapan, ngunit naririto pa rin at naghahari ng pandemya na nagtuturo sa atin ng tamang daan sa buhay. Take note: Marami nang kaso ng Covid-19 ang nahawa rito ng walang sintomas na hindi man lamang lumubha o hindi talaga nararamdamang positibo sa naturang sakit. ‘Unseen enemy’ ngang dapat pangambahan baka mauwi saw ala ang buhay.

 

Noon ko inisip ano nga ba ang dahilan at ako ay nabubuhay?

 

For purchase, please contact 0927-2450838

 

Sang-ayon sa talumpati ni Randall Ridd, may dalawang pinakamahalagang araw sa buhay ng tao: “Una ay ang mismong araw nang siya ay isilang, at Pangalawa, ang araw na natuklasan niya kung bakit siya isinilang.” Banal na adhikain ng tao ang tutuklasin sa sarili ang layunin niya sa buhay dahil misyon ito kung bakit siya isinilang at nabubuhay. Hindi ibig sabihin ng misyon ay pumasok sa seminaryo o mag-misyonero upang matamo. Ang paggawa nang tama at paglilingkod sa kapwa ay maaaring maging personal na misyon natin sa buhay. Dito isisilang ang adbokasiya natin na siyang magiging layunin natin sa buhay.

ENGAGE IN LEARNING. READ, LIKE, SUBSCRIBE and SHARE.

 

For More Information about life plans... please contact

Mary joy Torres Fernandez

09669249487





Comments


bottom of page