Ang pagiging matalino ay may kakaibang pag-iisip sa taglay na kaalamang pang-aklat na matututunan sa pag-aaral sa paaralan dahil naunawaan ito sa karanasan bilang karunungan. Sila ngayon ang mga taong sinasabi nating “who think out of the box.” Hindi karaniwan ang kanilang iniisip kumpara sa nakararami dahil sa kakaibang aral na natutunan nila sa maraming bagay. Kakaiba silang mag-isip at hindi katulad sa iba ang kanilang naiisipang bagay.
Malawak din ang kanilang katwiran at pananaw sa buhay, matalino sila sa paglutas sa mga suliranin sa buhay, at higit na malikhain sa diskarte sa buhay. Ang lahat ng mga ito, ay bunga ng sistematiko nilang paraan ng pagbabasa at pa-aaral sa pamamagitan ng repleksiyon o pagmumuni-muni tungo sa pinaka-epektibong paraan. Kakaiba kang mag-isip?
Kailangan bang maging matalino?
Sang-ayon sa aklat na Being Happy and Successful na sinulat ni Dr. S. Ignacimuthu, “Kung ang iyong utak ay napakagaling, at may nagsabi sa iyong, kung ang utak niya ay katulad ng galing ng utak mo, tiyak na siya ay magiging matalino ding tao.” Iba naman ang sasabihin ni Blaise Pascal, imbentor ng Pascal calculator.
Si Pascal ay matalino sa matematika at agham ng karunungan at naging matalino ring pilosopong Pranses. Para sa kaniya, “Be a better person and you will have my brains”. Ang ibig sabihin nito ay umayos tayo sa ating pag-aaral at magpakasipag upang maging matalino dahil ang buhay ay pag-aaral at pagtuturo para sa karunungang ibig na matamo.
Kung sa kabuuan, ang talino ay tumutukoy sa kapasidad ng isip sa pagbuo ng ideya, o makapangatwiran sa paglutas ng alinmang uri ng palaisipan o suliranin, kinailangan ding isama ang ugali sa pagkatuto. Sanhi nito, kapag may maayos na pag-uugali ang tao, matututuhan niyang gamitin sa praktikal at mabuting kaparaanan ang nalalaman niya. Pagkaminsan kasi ay may mga matatalino, ngunit hindi na nga nagiging matagumpay sa buhay ay hindi pa nagiging maayos ang pamumuhay sanhi ng maling pananaw nila na siyang nakaaapekto sa gawi at pag-uugali.
Ang talino ay hindi basta mahalaga, kinakailangan itong paunlarin hindi sa paraang seryoso na nakabibigat sa kalooban, bagkus, sa masayang matalino na nakakaginhawa sa lahat. Posible ang mga bagay na ito sa pagiging responsable, matiyaga, may pokus at banal na hangarin sa gustong mangyari sa buhay at pag-aaral. Sa blog na ito, ang kailangan lamang ay ang sandaling gugugulin sa pagbabasa, pag-aaral at pagsasanay.
Nilalayon ng blog na ito ang hindi lamang paggising ng kamalayan ng utak sa pamamagitan ng tamang pag-iisip kundi pati na ng mabuting kalooban. Kasama rin dito ang pagpapaunlad ng ugali mula sa kaalamang mababasa sa ibat ibang aklat at mga karanasan sa pagkatuto upang mag-isip at tuklasin ang wastong kaalaman. Kasahog rin nito ang maayos na pamamaraan na huhubog ng tamang pag-iisip at gawi para sa ganap na katalinuhan.
Ang sabi ni William James, “The greatest discovery of my generation is that human beings can alter their lives by altering their attitude of mind.” Kaya nating baguhin ang kasalukuyang kalagayan ng buhay kung babaguhin natin ang takbo ng ating utak na magtutulak sa pagbabago ng ating ugali at kapalaran. Kumbaga sa konsepto ng “behavitude,” magiging behave na ang attitude natin ngayong nahaharap tayo sa krisis ng kalusugan at kabuhayan ng pandemya. Nature ba o nurture ang pagiging matalino?
ENGAGE IN LEARNING. READ, LIKE, SUBSCRIBE, and SHARE.
Comments