top of page

WHY ‘X’ IN CHRISTMAS?














 

Why ‘X’ in Merry Xmas …?


May mali?

May kulang?

May hahanapin pa?


The mind is not a vessel to be filled,

but a fire to be rekindled by thinking.

 

Nakapukaw sa aking isipan ang “finding the value of ‘X’ and ‘Y’” noong mabasa ko ang kuwentong nilathala ni Madam Dulce sa People’s Journal noon. Tungkol ito sa kung paano pahahalagahan ang Araw ng Pagsilang ni Hesukristo. Dahil sa nakapaloob na kuwento ay nagkaroon ako ng interes na tuklasin ang ilang bagay pang ispirituwal na pangyayari sa pagbabasa ng Banal na Aklat gaya nang tungkol sa kuwento ng pagkawala ni Adan sa Hardin ng Paraiso matapos nilang kainin ni Eba ang ipinagbabawal na bunga.

 

Mansanas nga ba?


Nang hanapin siya ng Panginoong kung nasaan na siya dahil bigla siyang nawala, ay hindi siya sumagot at wala nang nakapagsabi kung nasaan siya. Tulad sa adhikaing banal ng Panginoon, nawala siya sa layunin ng paglikha bilang kawangis ng Diyos. Ganito rin minsan ang nangyayari sa atin sa paglalakabay natin sa buhay. Nawawala tayo dahil sa mali nating paniniwala.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

Dear Moms and Dads!

How to Secure your Baby's Future? Start Saving as early as NOW!

Let me make a personalized proposal for you!


 

Saan na nga ba napunta si Adan matapos niyang iwan ng binhi ng kasalanan ang tao? Pakaisipin natin ang pangyayaring ito sa ating buhay. Baka tayo ay naliligaw ng landas sa ginagawa o hinahanap nating kapalaran bunga ng mali nating naging paniniwala tulad sa pagdiriwang Pasko.Nasaan na nga ba ang diwa ng pagsilang ng Dakilang manunubos sa sangkatauhan?I-konek natin ito sa pormula ng gawi at katwiran ng math-alinong tao – ang finding the value of ‘X’ and ‘Y.’ Alalahanin nating bahagi ng pagiging math-alino ang pagiging ispirituwal. Bakit?

 

Alinsunod sa paglalarawan ng Banal na Kasulatan, ang tao ay binubuo ng panglabas at panloob na katauhan niya. Masasabi nating ang panglabas nating katauhan ay ang mismong pisikal na katawan natin. Kalooban ng atin pagkatao ang nag-uudyok sa ating puso, kaluluwa at isipan. Kailangan nating pangalagaan ang mga ito, sapagkat makaaapekto ang mga ito sa uri ng gagawin nating pamumuhay. Marami sa atin, higit na pinahahalagahan ang katawan kaysa sa karakter at ugali na nakakalungkot isipin dahil pati ang iabang tao ay naaapektuhan.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

In our passage, the Apostle Paul prayed that God might strengthened our inner man. But this strengthening of the inner man is only available for a child of God who is indwelt by His Spirit. If you don’t have the Spirit of Christ, you are none of His-Romans 8:9. To be His is to born again in the Spirit-John 3:3 To be born again makes all the difference.

 

Sana ay maging bahagi ito ng paguturo natin sa mga bata para sa kagalingan ng sangkatauhan. Ibig sabihin nito - hindi lamang tayo basta katawang-lupa, mayroon tayong espiritu o kaluluwa na dapat nating isa-alang-alang sa pagiging tao at kawangis ng ating Dakilang Manlilikha. Naririto ang kuwento para sa tunay na diwa ng kapaskuhan. Nawa’y sa tulong nito ay mabuksan ang ating puso at isipan.

 

Noong gabi bago sumapit ang kapaskuhan, isang batang may hila ng kariton ng basura ang napadaan sa bahay na malaki ng isang mayamang pamilya. Nakita siya ng anak ng mayaman. Niyakag siya sa loob ng bahay at ipinakilala sa Mommy nito. Nang maitanong ng mommy ng bata kung ano ang kanyang pangalan niya. Ang sabi niya ay Ekis. Taka ang ina kung bakit Ekis; ang tunay na dahilan sa kuwento ay hindi kilala ang bata sa tunay nitong katauhan. Ipinagkibit-balikat na lamang ito ng mommy ng bata at hindi na nagtanong ng kung ano pa.

 


 

Sa loob ng bahay, agad tumawag ng pansin ni Ekis ang belen kung saan isinilang ang batang si Jesus. Ikinatuwa niya ang pag-alala, ngunit napuna niya ang nakalagay na pagbating: “Merry ‘X’ Mas.” Taka siya kung bakit ‘X’ ang nakalagay sa pagbati. Nang dumating ang mga bisita, nagsipagbati ang lahat sa isa’t-isa ng Merry Christmas. Lalo lamang nagtaka si Ekis sa nangyayari sa bahay. Hindi talaga siya kilala ng mga tao lalo na nang magbigayan ng regalo ang bawat isa. Ang sabi ng anak ng mayaman sa mommy niya ay walang regalo si Ekis. Subalit, biglang nagkagulo ang lahat sa kasayahan dahil umating si Santa Claus. Tuwang-tuwang pinagkaguluhan ng lahat dahil sa kani-kaniyang regalong ibinibigay. Malungkot na nilisan ni Ekis ang bahay nang hindi nagpapaalam – ang diwa ng kapaskuhan sa marami ay materyalismo. Labis na ikinalungkot ng anak ng mayaman ang pagkawala ni Ekis. Ikinagalit ito ng ina.

 

Kinagabihan, nadala ng ina sa kanyang panaginip ang alaala ni Ekis nang siya ay naglalakbay sa karimlang tinatanglawan ng pambihirang liwanag. Nakita niya sa gitna ng liwanag si Ekis. Tinanong siya nito kung bakit, “Merry ‘X’ Mas” ang pagbati. Hindi nga ba talaga siya kilala kaya Ekis ang pagbati? Naitanong din nito kung sino ba ang may kaarawan sa araw na iyon? At bakit sila-sila ang nagbabatian at nagbibigayan ng regalo sa isa’t-isa gayun si Jesu ang may kaarawan. At sa huli, ay naitanong ni Ekis kung bakit si Santa Claus ang naging panauhing pandangal sa araw ng kapaskuhan gayun siya ang may kaarawan.

 

Hindi nga kilala ng tao si Jesus, ang may kaarawan sa tuwing sasapit ang araw ng Pasko. Siya ang sana ang dapat na maligayang binabati sa kaarawan, subalit tayo sa isa’t-isa ang nagbabatian. Siya ang nararapat na maging panauhing pandangal na dinadambana sa ating kabahayn, at siyang dapat nating hinahandugan ng pagkilala at panalangin, subalit naiba _ si Santa Claus na. Santo ba siya o santa? Ekis nga si Hesus sa maraming tao. Hindi talaga Siya kilala ninuman gayun sa kanya nagmula ang lahat.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Totoo naman na sa panahon ngayon, napakadali sa maraming tao ang masdan ang tunay na kahulugan ng Pasko na isang dakilang gabi ng pagsilang ng pag-asa at katubusan. Sa nabasa kong aral ng talinghaggang Educated, sinasabing,”You have not been educated, If you have memorized addition facts, multiplication tables, and chemical formulas, but you have never been disciplined to hide God’s Word in your heart.”

Marapat na tumutok tayo sa mahalagang aspeto ng sangkatauhan, at para ipagdiwang natin ang Banal na Araw ng Kapanganakan ni baby Jesus – Ang Hari ng mga Hari kinakailangang nating makibahagi, maghandog ng tulong sa higit na nangangailangan, magbigay ng sandali sa ating mga mahal sa buhay at magkaroon ng maayos na pamumuhay.


A Blessed Christ-Mass to All and to your Family!


Read, Share and Subscribe.

Comments


bottom of page