top of page

WISHFUL PRAYER














 

Pagkaminsan sa dami at bigat ng ating pinagdaraanan ay hindi natin maiaalis sa ating sarili na sana remote control na lang tayo ng tulad sa ginagamit sa telebisyon para kontrolado natin sa ating gusto ang mangyayari, play ang mga madadali lang nangyari sa ating buhay, fast forward kapag puro kalintekan ang nangyayari at i-rewind na lamang sa masasaya nating alaala. Ngunit ang sabi nga, “Never wish life were easier, wish that you were better.” Kung mayroon man dapat mabago at mapabuti ang lagay, hindi ang takbo ng ating buhay kundi ang ating sarili kung paano natin dadalhin sa mga pagsubok at kabiguan para sa pagpapahusay ng ating pagkatao. Hindi mahirap mabuhay kung mayroong layuning matibay at nasa tamang katwiran, ngunit kung wala nito talaga pahirapan ang buhay sa gusto nating mangyri na hindi pinagsikapan.

 

Kapagdaka dumaranas ng pagsubok ang tao, naiisip niya ang kahilingan at pananalangin. Madalas nangyayari ito sa marami sa atin na naaalala lamang magdasal kapag may problemang kinakaharap, pero pagkatapos nito, ni pasasalamat na panalangin ay wala. Ang problema pa – ganap bang nauunawaan natin ang bawat kahilingan kalakip ang panalangin? Mangyari, may malaking pagkakaiba ang pananalangin sa Panginoon at ang pananalangin ng pag-asa.Baka kasi pati si Lord malito sa dinadasal mo at hinihiling.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Unawain mabuti ang kahulugan nito: “A wish is subjective (pansarili), hope is objective (alinsunod sa layunin). “Kapag tinutukoy ay pag-asa, kinakailangang gumugol ng panahon at pagsisikap para makamit ang layuning pinaniniwalaan sa sarili na makakamit. Hindi masasabing pag-asa kung sa simula pa lamang ay alam nang walang mangyayari, kumbaga, wish o kahilingan lamang ang nangyari. Ang manalangin sa Diyos ng mga bagay at kagustuhan na wala naman ginagawang pagsisikap na makamit ay kahilingan lamang iyon basta na malabong mangyari.

 
 

Ang pananalangin may kalakip ng pag-asa “is always praying forward” sa ipinangako sa atin ni God batay na rin sa kahilingan alam nating ginagawan ng paraan ng Kanyang kapangyarihang banal. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng tunay na panalangin nang may pag-asa, kaya binabanggit din natin ang In Jesus Name sa panalangin ng ating kahilingan. Para sa bagong taon na papasok naririto ang panalanging-kahilingan may pag-asa kung lalakipan natin ng pagpupunyagi sa ngalan ng kabutihan.

 

Year 2021;

Another year of triumph and courage.


A New Beginning of personal growth, progress and updates.

To seek the most meaningful purpose of our mere existence.


Anyhow,

It is not the years inlife that count.

It’s the life in our journeys till the end.


Hopefully,

and not the usual one.

Rather,

something more fulfilling and meaningful to God Almighty.


Let the Divine Mercy wraps his arm of protection and providence around us-

Our family, friends, country and the world around us.


Praying for -

boundless, calming peace and heavenly joy and grace

upon us throught this year and another years to come.


Be productive and fruitful in everything we do.

Prosper and shine in goodness wherever we go.


And be a blessing to everyone.


Bless us, oh Lord …


Amen.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

Pakatandaan din natin na ang alinmang panalangin ng walang taos-pusong pananalig ay isa lamang hangaring maaaring makamit o hindi. Sikapin nating masolusyunan ang mga problemang dulot ng ating kapabayaan sa nakaraang panahon ng ating pamumuhay. Hindi lamang umaasa sa tugon ng panalangin at hangaring hinihiling. Kailangan lamang maunang magtiwala sa ating sarili pagsisikap bago ang sa Panginoon dahil kung sa sarili natin ay wala tayong tiwala, anupa’t ang Diyos ang maniniwala sa hangarin natin? Alalahanin natin ang mga Salita ng Diyos hinggil sa pagkakaloob ng biyaya. Ispirituwal itong karunungan na mahalaga nating matutunan sa buhay.


Read, Share and Subscribe.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

3 days left before 2020 ends!

It's never too late to start your own insurance w/ investment plan. Better now than later.

Stop over thinking and start protecting your financial present and future.

 

 

 

Comments


bottom of page