top of page

WORDS















 

Words are free,

it’s how you use them that may cost you. Kushand Wizdom


Curious ka bang may katawagang ‘sister city?’ Sisters, bakit may tinawag na sister city’? Mayroon din bang katawagang ‘brother city.’ Kuya, bakit nga ba? Paano ninyong malalaman kung mayroon nga? Saka kung may ‘mother earth’ at ‘mother tongue,’ may ‘father earth’ din ba at ‘father tongue’? Teka … teka … mayroon kayong napuna kay mother at sister? Naisip ba ninyo kung bakit ganito ang mga katawagan. Puro halos pambabae. Sila-sila lamang, walang pamboy o men? Bunga kaya ito ng ‘women empowerement?’ Dati kasi ay may ‘women’s lib’ o kalayaan para sa kababaihan. Ngayon, ang pagpapakapangyarihan ay nasa kanila na rin! Buwan ng Kababaihan ngayong Marso. Kailan naman ang para sa kalalakihan? Mayroon ba?

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Ano ang masasabi ninyo boys sa pagsulong ng kaalaman para sa kamalayan?

Ang sabi ni Rumi, “Raise your words not your voice.” Kasi ngayon, hindi lamang may ‘battered wife,’ mayroon ding ‘battered husband.’ Hindi sa dahilang sila ay binububog lang kaya ‘battered’ kundi nakararanas din sila ng ibang uring ng pang-aabuso sa salita na tortyur sa isipan. Hindi kaya dahil ito sa nagbabagong kalakaran na dati ay may ‘housewife’ dahil sila ang nasa bahay at ang asawa nilang lalaki ang nagtatrabaho? Ngunit karaniwan na ngayon ang babae ang nagtatrabaho, ang lalaki ang nasa bahay. Ano ngayon ang tawag ninyo sa lalaking nasa bahay lamang at hindi nagtatrabaho kundi ang asawang babae? Dapat alam ninyo ang saktong word para sa mabisang pakikipagkomunikasyon.

 

Ang mga nabanggit na sitwasyon ay upang matutong mag-isip at maging matalas ang isipan sa pag-unawa sa komunikasyon. Mabisa ang komunikasyon ng salita sa gagawing pagkokone-konekta ng kaalaman. Kailangang gawin ang mga ipinag-uutos sa pagpapayaman ng talasalitaan at pagkakabisa nito para mas madali ang pag-uugnay ng kaalaman. Para rin ito sa mahigpit na pagkatuto nang maiwasan ang “loose learning.” Sa halip nito, ay laging matatandaan agad ang kaalaman kung kakailanganin ng pagkakataon sa buhay at pag-aaral.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

L-L o ‘loose-learning’ kapag alam mo ngayon ang isang bagay. Tapos, maya-maya ay nakalimutan na! Itinuro ngayon at alam nang talaga, ngunit bigla ay naglahong parang bula. Ang bilis mawala sa utak ng kaalaman tulad ng bula ng sabon na inanod ng tubig nang kapadaka’y maligo at magbanlaw dahil hindi naiiintindihan. Isang pasubali, kung may pattern sa learning sa pag-aaral ng salita ay madaling makikintal sa isipan ang kaalaman. Dito ay matutuhan pa ang tama at lohikal na pangangatwiran. Mabisang paraan ito kung mapagkokonekta ang mga magkaka-ugnay na kaalaman o salita. Halimbawa nito, ang salitang ‘isle’ na ang kahulugan ay isla at ang ‘islet’ naman ay maliit na isla. Hindi ba may pattern mula sa english at tinagalog na salita. Kung magkakaganito, hindi agad mawawaglit sa isipan ng nag-aaaral ang kaalaman dahil sinanay na ang utak na tumalas ang utak ng pang-unawa. Dito rin malilinang ang tinatawag na “common-sense’ na hindi talaga ‘common’ sa lahat dahil iba-iba ang sintidido-kumon ng bawat tao. Kaya ang layunin ng blog na ito, na ibig kong mangyari ay, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng sinulat na mga salita, ay maririnig, madarama at mauunawaan sa pagbabasa, bago makikitang natutunanan nang ganap ang kaalaman.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

Ang bente mo barya na ngayon.

Inflation

Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..

Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!

Start this year by investing with PROTECTION

Invest it wisely.

ASK ME HOW!


 

Marapat na isipin natin, alinman mang saktong salita ay ginagamit para sa maayos na pang-unawa. Nililinang ito sa pagbabasa, pagsusulat, pakikinig at pagsasalita para sa lalo pang pagkatuto sa pag-aaral sa paaralan at sa buhay. ‘Loose-Learning’ talaga at ‘lost’ kapag hindi naintindihan ang isang bagay na pinag-aaaralan. Karaniwan sa mga kabataang mag-aaral ngayon ay may kakulangan sa pag-unawa sa salita o kataga, Sanhi ito ng kawalan ng pokus sa pagbabasa at pakikinig. Bunga nito ang mahinang pang-unawa. Mapupuna ito sa pagsusulat ng mali ang pagbaybay o spelling. Pati na sa wastong pagbigkas ng salita. Kaya tuloy minsan ay nagiging katatwanan sila ng mga batang mahuhusay ang pang-unawa.

 

Hindi lang naman ito sa mga bata nangyayari kundi mayroon din sa mga may edad na. Nagkakamali sila ng paggamit ng salita sa ibig nilang sabihin. Mayroon nga akong kakilala sa probinsiya na hindi ko maunawaan kung ano ang naging ugat ng mga maling paggamit niya ng salita. Gaya noong minsan bigla na lanang niya ako pinakuhang ninong sa binyag ng isa niyang kakilala na hindi ko naman minsan pa nakikita. Para huwag na lamang siya mapahiya, sinabi kong pauwi na ako sa Maynila. Ang sagot niya, “Sayang sa Baguio Fiesta pa naman ang handaan. Bongga!” Ibig niya palang sabihin ay Barrio Fiesta. Pero puwede raw akong pa-xerox, eh, proxy pala ang ibig niyang tukuyin. Windang ang makakausap niya kung hindi matalas ang pang-unawa. O kaya naman ay baka gawin siyang katatawanan ng iba. Maaari ding laitin siyang low IQ, hindi ba nakakaawa?

 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741

 

Natutunan ng matalino kong kaibigan sa teacher niya na, para gumaling sa English ay magbasa siya araw-araw nito. Guhitan niya ang lexicon o vocabulary word na hindi niya maintindihan, saka hanapin sa dictionary ang kahulugan. Isusulat niya ito sa piling notebook. Ulit-ultin niyang bigaksin ang kahulugan bago siya sumulat ng isa hanggang dalawang sentences gamit ang nasabing vocabulary word. Kada isang araw ay mayroon siya dapat limang english words na matututunan. Imagine, kung sa loob ng isang araw ay lima, sa isang linggo ay 35, sa isang buwan na may tatlumpung araw ay 150, at sa loob ng isang taon na may 365 araw ay 1,825 ang matututunan niya. Kung gagawin mo ito sa loob ng sampung taong pag-aaral mo ay mayroon kang 18, 250 na salitang matututunan. Hindi ba mayaman ka na sa salita kapag ganito ang nangyari? Ilan ba ang bokabularyong salita sa isang karaniwang dictionary para masabing mahusay ka talaga sa salita?


Read, Share, and Subscribe.

Comments


bottom of page