top of page

WRITING MENTAL HEALTH



 

Labis kang nag-aalala, nababalisa at natatakot sa hindi mo malamang mangyayari?

Karaniwan sa takot ng tao ay hindi nagkakatotoo, kaya sinasabing ang takot ay nagmumula sa isipan.

Bakit mo iisipin ang hindi pa naman nangyayari, pa-apekto ka na agad. Paano nga kung hindi naman mangyari?


Be expressive. Be creative, Be reflective in writing for your mental health!


Ang magandang sinabi ni Ernest Hemingway, ang sinumang manunulat ay dapat isulat kahit mahirap isulat nang malinaw kung ano ang nakakasakit sa kalooban ng tao o sa sarili niya. Nakapagpapaluwag ito ng kalooban at napapayapa din ang nagugulong isipan kapag may pino-problema. Remember, mahal magkasakit. Noon kasi ay hindi pa gaanong kamalay ni Hemingway na mahalagang isulat hindi lamang ng writer o ninumang tao kung ano ang nakakasakit ng loob upang mapaunlad ang mental health sa sarili. May mga nakakaranas pa nga nang hindi pagkatulog dahil sa labis na pag-aalala. Kapag kinulang sa tulog, lalong bibigat ang karamdaman.


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407



 
WRITING MENTAL HEALTH...

Sa mga pananaliksik ay lumalabas na sa pamamagitan ng pagsusulat ay nagkakaroon ng self-awareness o kamalayan ang tao na makilala niyang mabuti ang kaniyang sarili hanggang sa kaibuturan ng kanyang isipan at kalooban. Dito matitiyak niya ang kanyang ugali, damdamin, paniniwala, pagpapahalaga at ang mga bagay na nag-uudyok sa sarili. Hindi lamang sa ganitong paraan nakatutulong ang pagsusulat sa kamalayan, napapaunlad din nito ang tiwala natin sa sarili at hinihikayat pa tayong kung paano tatanggapin ang ibang tao sa atin dahil nauunawan natin silang mabuti bunga ng katulad ng pinagdaanan natin noon. Ikaw ngayon at sila ang madaling magkaroon ng kasiyahan sa sarili lalo na sa trabaho kaya nagiging mahusay lider dahil maalam lumunas sa problema. Nalilinang din ng pagsusulat ang self-control o pagpipigil sa sarili at makagawa tayo ng tamang desisyon alinsunod sa layunin natin sa ating buhay. Kumbaga, mapopokus tayo. Subukan mong kapag may dinaramdam ka o inaalala, isulat mo tulad sa diary.


 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474




 
WRITING MENTAL HEALTH...

Ang pagsusulat para sa self-awarenes ay maaaring gawin araw-araw bilang pagsasanay. Hindi lamang layunin nito na maging mahusay tayong manunulat kundi naimumulas natin ang bigat ng kalooban kaysa sa kinikimkim Kaya may mga tao talagang gumagawa ng kanilang diary o talaarawan. Maski ang pagsusulat ni Ann Frank (Diary Of Anne Frank) ay naging malaking tulong sa sarili niya na maibsan ang takot sa panahong sila, bilang hudyo ay pinag-uusig ni Hitler noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pagbabasa ng talaalarawan at pagsusulat muli (rewrite) higit tayong nagkakaroon ng malalim na pananaw sa tunay na buhay at sa ating sarili na maaari nating ibahaging kaalaman at karunungan sa ibang taong hindi nakakaalam at nakakaunawa sa takbo ng kapalaran. Maaring itanong ninyo kung anong klaseng sulatin ang puwede ninyo ring isulat at paano nakakatulong sa kamalayan at kalusugan ng isipan. Naririto ang mga mungkahing paraan:


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741




 
WRITING MENTAL HEALTH...

Mayroong tinatawag na expressive writing o pagpapahayag ng damdamin at saloobin na karaniwang ginagamit sa theraphy. Isinusulat dito ang naging karanasan dulot ng alalahanin, pagkabalisa, ang nasasaloob at dahilan ng nadarama. Mula rito, napopo-proseso nang maayos ang kaalaman at pang-unawa sa sarili. Napatunayan, ang sulating pagpapahayag ay nakatutulong sa paggising ng kamalayan at nakababawas ng malaki sa depression at pagkaligalig. Minsan pa nga sa pagsusulat ay maiisip natin ang solusyon nang hindi sinasadya. Nagkakaroon tuloy ng kapayapaan sa isipan at kalooban dahil naimumulas ang nasa loob na hindi mailabas. Panibagong sigla ito ng buhay na kinakailangan natin.


 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741




 
WRITING MENTAL HEALTH...

Maraming health practioners gaya ng mga doktor at nars, pati mga psychologist, mga guro at social workers ang ginagamit ito sa kanilang trabahong gamutan o theraphy. Lalo na sa mga nakaranas ng trauma (matinding takot) gaya ng nangyaring pinsala ng bagyong Yolanda at ang pagputok ng Mount Taal kung saan marami ang nagkaroon ng masidhing takot. Traumatic ang kanilang naranasan na madalas gumugulo sa kanilang isipan at damdamin lao na sa gabi. Kaugnay ng expressive writing ay ang reflective writing. Dito ay nagkakaroon ng self-introspection o pag-usisa sa sarili kung saan hinahayaang nating maging open ang pagsusulat lalo na sa mga bagay na nakaka-curious matuklasan sa sarili at nagagamit itong mabuti sa pag-aanalisa sa problema sa sarili. Hindi nga ba ang kadalasan naman talagang problema ay nagmumula sa sarili - sa iniisip at nadarama?


Samantalang sa creative writing naman ay pagsulat ng tula, maikling kuwento, anekdota, at nobela na ginagamitan ng malikhaing isip o imahinasyon. At sa halip na memory ng kaalaman ang ginagamit ay mga literary devices gaya ng pag-imahinasyon at methapor o talinghaga para mabigyan ng kahulugan ang dinaranas na suliranin. Kakaiba itong paraan ng eksplorasyon ng isipan, kalooban, damdamin at paniniwala. Inilalahad dito ang iba’t ibang hamon ng karanasan sa buhay na pinagdaraanan natin. Kaya karaniwang naglalaman ito ng mga hinaing ng sarili upang maipabatid at maipaunawa sa iba na lubhang mahirap sabihin nang diretsuhan lalo na sa mga mahal natin sa buhay o pinatutungkulan. Hindi siya lalabas na bashing sa social media.


Muni-muniin mo ang mabibigat na pinagdaraanan sa buhay upang makaginhawa sa isipan at kalooban. Sabihin natin sa sarili natin:

“When I am going through difficult times, I always remember … God gives His hardest battle to me as His strongest soldiers.”


Read, Share and Subscribe:

IN FACT, MATH-ALINO!

https://www.prosperlife thrueducation.com/post/writing-mental-health

Comments


bottom of page