Who is your best friend – your special love, your family or your intimate friens? Think … “Your best friend could be your worst enemy.” Mahirap daw kalaban ang sarili. Sino ngayon ang puwede mong maging pinakamatalik na kaibigan? It is true na madaling humanap at makatagpo ng kaibigan, ngunit ng tunay na kaibigan ay one in a million lamang. Ngunit hanggang saan? In the first place, dapat alam muna natin ang dahilan ng pakikipagkaibigan ninuman sa atin. Karaniwan sa pagkakaibigan ay dahil lamang sa punto ng kapakinabangan na kapag nawalang parang bula ay “lost friend” na sila. Para que? Hindi mo na nga sila makakasama ay ipinagpalit ka pa sa iba! Hello friend, goodbye pala ang drama sa friendships nila!
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
YOUR BEST FRIEND...
Sabi ng kaibigan kong naniniwala sa kaalamang ‘esoteriko,’ sa pagiging matalik at mabuting pagkakaibigan ay nagkakaroon ng ganting-kapalaran ang tadhana o ‘karma’ na sa kabilang buhay ay maaari kayong muling magkatagpo na matalik na magkaibigan bilang magkapatid o kaya ay kambal na tulad nang dati ay masaya pa rin sa pagsasama at halos ayaw magkahiwalay. Ang bongga sa posibleng mangyari, ay kapag kayo ay naging sweet lover sa isa’t isa. Till death do us part talaga!
“Esotiricsm is not in any way of a mystical and vague nature.” Hindi siya basta mahiwagang pangyayari. “It is a science – essentially the science of the soul of all things.” So, may bisa ng kapangyarihang ispirituwal ang mga nangyayari. Ang paniniwala kasi ng ibang tao, ay katawang-lupa lamang ang namamatay, hindi ang kaluluwa. At kung paniniwalaan sa konspeto ng karma, ang kaluluwa ng namatay ay lilipat sa katawan ng bagong silang na sanggol upang minsan pa ay tahakin ang bagong buhay. Totoo kaya ito – ang “reincarnation” o paglilipat ng kaluluwa ng tao mula sa pagkamatay at bagong pagsilang? May mga nanininiwala kasi sa “transmigration of the soul” o paglalakbay ng kaluluwa kapag natutulog o nananaginip, kaya may ganito ring paniniwala. Katunayan nga may mga taong kapag natutulog ay nararamdaman nila ang pag-alis ng kanilang kaluluwas sa kanilang katawan, at mismo nakikita din nila ang sarili nila na natutulog. Hindi nga lamang maipaliwanag ng kahit sino kung bakit may ganito.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
YOUR BEST FRIEND...
Pero ang best love experience daw ng tao ay ‘yung pag-iibigan na nagsimula muna sa pagiging magkaibigan. Hanggang maging matalik sa pagsasamahan, bago nang sabay na mabigo sa pag-ibig nila sa iba ay kapwa natauhan na bakit pa nga pala sila hahanap ng ng iba, ay naroon naman na pala sa piling nila at kasundo nilang talaga. Maraming ganito ang kabigla-biglang pangyayari, ngunit sadya palang iginuhit ng tadhana sa ganoong kagarang karanasan na tila himala ng langit na sobra sa hiwaga!.
Masusubukan mo ang tunay na pagkakaibigan sa gitna ng mga pagsubok sa buhay na iyong daranasin. Bibihirang asahan ang loyalty ng isang kaibigan sa gitna ng mga problema at pagsubok sa buhay. Oks lang sa iba ang friendships sa gitna ng kasayahan at kasaganaan. Lalo na at may gimikan. Ngunit, alalahanin daw natin na kahit daw ang sarili nating anino (hindi siya kaluluwa ha?) ay iiwan tayo kapag tayo ay nasa gitna na ng kadiliman ng buhay natin. Paiiiwan ka ba o ikaw mismo ang kaibigang mang-iiwan?
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
YOUR BEST FRIEND...
Karaniwan itinuturing iba sa atin ang kabiyak ng puso natin o ang ating sarili pamilya ang tunay nating kaibigan. Ngunit sa isang matalinghagang kuwentong aking nabasa ay may isang hari ang mayroong apat na asawa. Lubhang nagkasakit ang hari at malapit nang mamatay. Sa katakutan nitong maglakbay mag-isa sa kabilang buhay ay tinanong niya ang kaniyang ikaapat na asawa na labis niyang mahal at lagi niyang hinahandugan ng diyamante, ginto at mamahaling kasuotan – “Sasamahan mo ba ako hanggang aking kamatayan?” Ang sagot ng asawa, “Hindi”, sabay talikod at alis sa tabi niya.
Mahal din ng hari ang ikatlo niyang asawa kaya naman madalas niyang ipasyal ito sa mga kahariang nasasakupan niya. Tinawag niya ito upang tanungin kung nakahanda itong samahan siya sa kabilang buhay. Ngunit, labis na mahal ng ikatlong asawa ang kaniyang sariling buhay. Hindi siya masasamahan nito, bagkus, ay mag-aasawa ng iba kung sakaling siya ay wala na. Samantala, ang pangalawa naman asawa ay sadyang laging nasa tabi niya kung kinakailangan niya at hindi siya iniiwan. Ngunit, ang ang sabi nito, sa oras ng kanyang kamatayan ay hindi siya masasamahan, ngunit nakahanda naman asikasuhin ang kanyang burol at naroroon pa rin sa oras na iyon.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
YOUR BEST FRIEND...
Narinig ng hari ang isang tinig na nagsasabing “Sasamahan kita saan ka man pumunta sa oras ng iyong kamatayan.” Ikinagulat ng hari na ang unang niyang asawa ang tanging umayon na hindi siya iiwan kahit kailan paman at sa oras man ng paglisan niya sa mundong ng buhay.” Nakaramdam ng awa ang hari sa kanyang unang asawa na sana ay naalagaan niya itong mabuti at binigyan ng kakaibang pansin.
Ang aral sa atin ng kuwento: Ang ikaapat na asawa ay tumutukoy sa ating katawan na sinusunod natin sa layaw sa mamahalin kasuotan at kagamitan. Ngunit, hindi natin madadala ang mga ito sa kabilang buhay. Ang pangatlong asawa ay ang lahat ng ating kayamanan at ari-arian sa mundong ito. Hindi rin natin ito madadala sa kamatayan. Ibibigay lamang siya at paghahati-hatian bilang parte tulad ng pangatlong asawa na mag-aasawa muli. Ang ikalawa nating asawa ay ang ating pamilya at mga kaibigan. Malaki ang tiwala natin sa kanila, ngunit ang tangi lamang nilanag magagawa ay ihanda at ihatid tayo sa ating libingan. Ang natatangin nating unang asawa ay ang mismo ating kaluluwa. Karaniwan ay napapabayaan natin siya, ngunit siya an gbukod-tanging makakasama natin sa kabilang buhay.
Aagaan natin ang ating katawan habang tayo ay bata pa. Gawin natin siyang malusog. Samantala, nararapat lamang na i-enjoy natin ang ating kayamanan at gamitin ito sa maginhawang pamumuhay. Mahalin natin ang ating pamilya at mga kaibigan kapalit ng kanilang pagmamahal sa atin. Ngunit huwag nating kalimutan pangalagaan ang ating kaluluwa. Magkaroon ng sarili sandali para sa sarili. Manalangin na may kasamang meditasyon dahil ito ang pinagmumulan ng ating buhay at tanging kaibigan natin higit pa sa tunay na asawa.
ความคิดเห็น