Natatandaan ko noong bata pa ako
sinabi sa komersyal na ang tender care ay haplos ng pagmamahal.
TLC siya - meaning, compassionate, caring, protective attention or treatment.
Kung nabasa ninyo ang nakaraang Blog 61 na isinulat ko noong nakaraan ay malalalaman ninyo ang kasagutan sa katanungan kong “Who is your best friend – your family, your special love, or your intimate friend?” Nabanggit ko ito dahil “our best friend could be our worst enemy.” Ang pinakamatalik nating kaibigan ay siya rin nating magiging mortal na kaaway pagdating sa ilang mga pagkakataon sa ating buhay. Kaya ang sagot sa katanungan ay ang sarili natin ang pinakamatalik nating kaibigan. Siya rin ang maaari nating maging mortal na kaaway na kadalasan ay hindi natin alam na sarili pala natin. Imagine kung ang coronavirus ay “unseen enemy”, ang sarili naman natin ang “unfeel enemy” dahil hindi natin alam kung paano siya mapapangalagaan upang huwag nating maging mortal na kaaway.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
YOUR TENDER LOVING CARE...
Self-care o pangalagaan ang sarili natin sa pamamagitan ng pagsusuri sa ating kalagayan araw-araw mula sa pangkalusugan nito na makakatulong sa mabuti nating isipan, tamang pag-iisip na hindi makasasama sa sarili natin at sa kapwa para sa maayos na kalooban, pagmumuni-muni sa mga nangyayari at ginagawa para ispirituwal na kaparaanan natin or “well being.”
Sa paggising palang natin sa umaga ay pansinin na natin ang ating sarili at ang kalagayan nito kung mabuti bang nababago. Saka tanong lang sa sarili, “Ayos ba ang katawan ko?” Hindi ba siya lumulusog na mabuti na magiging dahilan ng kung anu-anong sakit? Lumalaki na ba ang tiyan na napakabigat nang dalhin at hirap nang magkasya ang mga damit sa dami ng taba-taba sa harap at tagiliran ng beywang na dati ay napakaganda.
Ngayon ba ay abut-abot na ang hingal mo daig pa ang kabayong nag-alburoto? Ang mukha mo, hindi kaya “horrific” sa picture at salamin. Kahit anong retoke o make-up ang ilagay ay mabilis ang pagtanda? Dahil sa kakakain ng cakes at kaiiinom ng sweets like softdrinks and milk tea na hindi naman pala sweet kundi bitter sa natural beauty. Bunga din ng dami ng mga kunsumisyon kinarga sa sarili na hindi naman dapat problemahin? Bunga nito simangot lagi ang sarili. Problema mo nga talaga sarili mo. Hindi ka yata nag-iisip.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
YOUR TENDER LOVING CARE...
Kapag ganito ang nangyayari, pag-aralan na natin kung nasa wasto at sapat na pagkaing may nutrisyon ang nagiging habit natin sa araw-araw. Baka laklak kayo nang laklak, alam ninyo naman na ang “junk foods” ay masama sa kalusugan dahil napag-aralan ninyo sa science, health and home economics, sigue pa rin kayo. Nakalimutan na ang knowledge na natutunan. Minsan, alam sa sarili, pero hindi naman ginagamit. What is learning kung ganito nang ganito. Basura ding kaalaman?
Eh, sa English ang “junk foods” ay basura, basura na pala ang kinakarga ninyo sa katawan ninyo, arya pa rin kayo ng arya. Later, ang tipikal na basura ay mabubulok gaya rin ng basurang pagkain at mismo sa loob pa ng katawan. Lalason sa dugo at posibleng sisira sa apat na “vital organs” ng katawan tulad ng heart (puso), kidney (bato), liver (atay) at spleen (pali o lapay). Baka sabihin mo pa, “Diyos ko! Baka hindi ako umabot sa gusto kong mangyari na “mabuhay hanggang gusto ko!”. Tigilan ko na at pag-aralan sa pamamagitan ng araw-araw na pagbabasa at pagsusulat kung ano ang maganda at makabubuti sa katawan ko!” Magiging matalino ka pa!
Teka … nahihirapan ka na bang umintindi. Kinukulang ka na siguro sa pagbabasa at pagsusulat araw-araw kaya napupurol ang utak mo at hirap nang gumana. Isipin mo, kung ang ehersisyo ay nakapagpapalakas ng katawan dahil nababanat ang ating masel at napapalaki sa tamang porma, ang isipan naman ay tumatalas sa araw-araw na pagbabasa ng kailangang matutunan sa buhay. Nang sa ganoon naman sa paggamit ng bawat kaalaman ay may wisdom o karunungang matututunan.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
YOUR TENDER LOVING CARE...
Hindi sa araw-araw na ginagawa ng Diyos, pag-upo at paghilata sa bahay ang trabaho ng tao. Mas maikli raw ang buhay ng mga taong tamad. Laging naka-upo at nakahiga. Bukod dito, dapat ninyong isipin na ang daming tao, wala pa sa edad na singkuwenta o fifty years old, makukulit na dahil mahirap makaintindi sanhi ng hindi napraktis ang isip sa pagbabasa, pagsusulat at pagkokompyut. Hayst! Tatlong basic skills lang na matutunan natin ito sa buhay, pero ‘di natin ginagamit sa araw-araw na buhay – nasaan ang “true learning” kung ang education is for life purposes?
Bunga ng pinabayaang katawan at kinulang na pagbabasa at pagsusulat at pagsasagawa ng napag-aralan ay naliligalig na rin pati ang kalooban. Nagsisiklab sa galit nang walang kadahi-dahilan. Hindi mapanatag ang sarili na hindi makaganti sa kaaway. Ano ubusan ng lahi? Teka, baka ubusan ng pera at oras at lakas ng katawan pala iyan sa halip na pagpapaunlad ng kabuhayan. Hindi kaya baon ka na sa utang mababaon pa ka pa lalo? Sakit ng katawan at sama ng loob ang mapapala kapag mapapa-away. Tandaan ang sinabi sa Meaningful Life, “Our body needs rest, but our soul needs peace.” Tigilan na kaya ninyo at magkaroon ng tamang pagpaplano sa buhay ko! Sa ganitong punto ay magkakaroon ng reyalisasyon ng “self-care.” Nagagawa nating best friend ang ating sarili at hindi natin siya makakaaway na mortal. Think again, “our best friend is our worst enemy.” Kaya naman hindi ako masyadong sampalataya sa sinasabing, “Life it too short, so enjoy it,” but instead, naniniwala akong, “Life is a purpose to achieve good spirituality.”
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
YOUR TENDER LOVING CARE...
Ang paniniwala ko ang katawan ng tao ay mamamatay, ngunit ang ispiritu ay patuloy na mabubuhay sa kabilang dimensiyon o mundo. Hindi tayo masasamahan ng sarili nating pamilya, asawa at mga kaibigan sa kabilang buhay gaano man nila tayo kamahal. Ang sarili nating ispiritu ang maglalakbay sa panibagong buhay. Kung naging mabuti tayo, wala tayong dapat ipangamba. Dare? Aralin ninyo sa araw-araw na pamumuhay kung paano ito mangyayari. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon kayo ng magandang pananaw sa buhay habang malusog, maganda at mahabang panahon kayong mabubuhay sa mundong ito. Kaya kailangan talaga nating bumaet at magpakabaet.
Comments